Epilogue

141 18 10
                                    

Epilogue

A BENTE Y SINGKO NG DISYEMBRE, araw ng pasko. Nandito kami ni Jack sa palaruan— ang lugar na saksi sa pagpapalitan namin ng aming mga nararamdaman.

Isang buwan na kaming magkasintahan, kaya naisipan naming dito i-celebrate ang aming monthsary. Bukod sa aming dalawa, kasama rin namin si Sarah at ang kanilang Papa. Syempre, mawawala ba si Kuya Rex at si Ate Fe? Kung hindi dahil sa kanila, walang kami. Naging isa sila sa mga instrumento para maging kami. Sa mga payo nila. Sa pang-aasar. Sa lahat-lahat.

"Ash!" Napalingon ako sa direksyon na pinagmumulan ng boses na tumatawag sa akin. "Ash!"

Dalawang bagay ang gumulat sa akin: Una, sumisigaw na si Maria nang malakas! Pangalawa, nakahabol siya.

"Maria!" Niyakap namin ang isa't isa.

"Ash, it's good 'no? Na nakahabol pa me. Guess what? Yesterday lang, natapos ko na ang novel na I am writing, where in ikaw at si Jack ang bida! And guess more? Ipinasa ko siya sa isang publishing company, and I hope maka-pass naman," masaya niyang saad.

"Talaga?! Sana makapasa nga!" masaya ko ring sambit.

Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko ngayon 'yung mga taong mahal ko. 'Yung mga taong bumuo sa pagkatao ko.

"Ash, tawag ka ni Mama!" Kumaripas kaagad ako ng takbo papunta kay Kuya, kausap niya sa Skype si Mama.

"Hello, my princess!" anito. "Kumusta na ang anak ko? Teka, nasaan si Jack?" Nagpatuloy kami sa pagpapalitan ng mga salita. Madalas nang nakikipag-video call sa amin si Mama. Si Papa hindi gaano, siguro mga twice a week lang. Ayos na rin 'di ba kesa hindi?

Naglakad-lakad ako sa buong paligid. Hanggang sa makakita ako ng isang babae na lihim na umiiyak. Huminto ako't nagpasiyang tumabi sa kaniya.

"Hello," pagbati ko. Lumingon lamang siya at hindi tumugon. "15 Signs na Niloloko Ka Lang Niya." kagaya ng sinasaad sa hawak niyang papel.

"Ate, 13 na po ang nangyayari. Sa tingin mo po ba niloloko na lang niya ako?" aniya sa gitna ng paghagulgol.

"You still have two chances," ani ko at ngumiti. "Mangyayari at mangyayari ang mga bagay na nakatakda at nakatadhana." Niyakap ko siya upang bigyan ng lakas ng loob. "Signs are just signs. Totoo man sila o hindi, ipaglaban mo 'yung pagmamahal mo hangga't sa tingin mo e tama pa."

Mayamaya'y bumagsak ang malakas na ulan. Kaalinsunod nun napatingala ako sapagka't isang payong ang pumigil sa mga patak ng ulan na dumampi sa balat ko.

"Mahirap na, baka ginawin ka ulit," saad ni Jack at ngumiti.

"Miss, sa 'yo na 'tong payong para hindi ka ginawin." Iniabot ni Jack ang hawak niyang payong sa babaeng katabi ko. "Baka mabasa rin 'yung signs."

Si Jack talaga, inaalala ang lahat. Pero huwag naman sana niyang pamihasain nang ganito dahil baka sa susunod 'di ako makapagpigil at magselos.

Matapos nun mahigpit akong niyakap ni Jack. "Para 'di ka ginawin, Ash." Syempre, bumilis na naman ang tibok ng aking puso. Dahil umuulan, mas lalong humulma ang hugis ng kaniyang katawan.

Baby Abs! anang aking isip.

IKALAWANG WAKAS

15 Signs na Umaasa KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon