Chapter Twelve

19 11 4
                                    

Chapter 12:
A Short Realization.

Ash's Point Of View

"I love you," iyon na ang huling narinig kong sinabi ni Jack at naramdaman kong nahilo ako. Umiikot ang mundo ko at hindi ko mapigilang mamaluktot sa lamig.

Hinayaan ko nalang na tumumba ako dahil alam kong katabi ko ang dalawang taong sigurado aking hindi ako pababayaan. Si Maria, na matalik kong kaibigan. At si Jack, na mahal na mahal ko.

Kung titignan ang mga senyales, magkaiba ang ibibigay nito sa 'yong sagot. Kung sa anggulo ko, malulungkot ka at maiisip mong punyemas ang mundo pero kung sa anggulo ni Jack, masasabi mong oh my gulay!

Ang pag-asa sa mga senyales ay parang isang sugal. Maaari kang manalo o matalo. Subali't sa huli, nasa sa iyo pa rin iyon kung magpapaapekto ka at muling susugal sa pag-ibig.

Sa huli, ang mga nakatadhana at nakatakda rin lang ang mangyayari't mangyayari, kahit ano pa man ang iyong gawin.

A BENTE Y SINGKO NG NOBYEMBRE, araw ng Miyerkules. Nagising na lamang ako sa isang pamilyar na lugar— ang kwarto ko na saksi sa aking mga kadramahan.

"Ash, gising ka na pala." Niyakap ako ni Jack, sapat upang masabi kong mahal na mahal din nga niya ako. "Pinatignan ka ng Kuya mo sa doktor. Sabi, na-stress ka lang daw at masyadong napagod. Siguro raw lagi kang puyat at may iniisip."

"Syempre, talagang puyat ako kaiisip sa 'yo," banat ko.

"Nagkausap kami ng Kuya mo. Personal akong nagpaalam kung pwedeng maging boyfriend mo. At alam mo ang sagot niya? Ikaw lang daw ang makasasagot. Hindi naman daw siya 'yung mahal ko kaya bakit sa kaniya ako nagpapaalam? May point naman 'yung kwela mong kapatid," litanya niya at nagkamot ng batok.

"I love you. . ." Nagkasabay kami sa pagsabi ng salitang iyon. Nagtawanan kami. Napuno ng pagmamahal ang aking kwarto.

"Signs," ani ko na tinugunan lang niya ng malapad na pagngiti. Kaalinsunod nun ay niyakap niya ako.

"Hindi na kita pakakawalan pa, Ash," malamig niyang saad. Naramdaman ko 'yung mga batang abs na dumampi sa katawan ko. 'Oh no! Ash, makasalanan ka talaga!'

Hindi na ako nagpaligaw. Hindi pa ba sapat 'yung mga pinagdaanan namin? Halos mabaliw na ako sa mga senyales na 'yan. Nag-note pa ako.

NOTE: Ikakamatay ko kapag wala ka, Jack.

At sa awa ng kupido, buhay pa naman ako.

A BENTE Y SINGKO NG NOBYEMBRE, opisyal na naging kami ni Jack.

WAKAS

15 Signs na Umaasa KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon