Chapter Eleven:
Different Angle.Jack's Point Of View
"Ikaw!" sinigawan ako ni Ash at halos hindi ako makapagsalita. "Oo, ikaw! Si Jackson Collins ang taong tinutukoy ko! Ikaw!" Humagulgol siya at pinaghahampas ako sa dibdib.
Lumipas ang ilang segundo pero hindi ko pa rin alam kung saan magsisimula. Hindi pa rin nagrerehistro sa utak ko ang sinabi ni Ash.
Inilabas niya mula sa pouch ang isang papel na nakatupi sa apat. Nanginginig niyang ibinuklat iyon at kumuha ng ballpen sa bulsa. Gigil na gigil niyang sinulatan iyon.
"I love you," saad niya at ibinato sa akin ang nilamukos na papel.
Dinampot ko iyon. "I love you too," tugon ko at tumingala, pero wala na pala si Ash. Malayo na siya mula sa kinatatayuan ko. Tumatakbo at alam kong nasasaktan. Lagi ko naman siyang nasasaktan nang hindi ko alam. Manhid siguro talaga ako.
Ibinuklat ko ang lukot na papel.
"15 Signs na Umaasa Ka," nabasa ko ang nakasulat sa likurang bahagi nito at itinihaya ito. Tumambad sa akin ang labinlimang mga senyales at lahat ng iyon ay may tsek sa gilid.
Isa-isa kong binasa iyon at inaalala kung paanong nangyari.
Sign no. 1: Kapag nag-hello ka sa kaniya pero hindi siya nag-hello back.
Palabas na ako sa classroom nun para umihi nang masalubong ko si Maria.
"A, e. . . hello." Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang nanginginig na boses ni Ash.
Hello rin, sa isip-isip ko. Alam ko namang hindi siya sa akin naghe-hello. Sino ba naman ako? 'Di hamak na lalaking hindi makakapantay sa kaniya.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at habang papalapit ako nang papalapit kay Ash, mas lalo akong kinakabahan. Dumaan ako sa gilid niya't palihim siyang sinulyapan. Nang maramdaman kong titingin din siya sa akin, agad akong tumingin nang diretso.
"Hello!" Sa pangalawang pagkakataon, narinig ko siya. Teka, baka naman sa akin talaga siya naghe-hello?
Matagal akong naestatwa sa kaiisip. Kung para sa akin man iyon. . .
"Hello rin."
Pagharap ko, wala na si Ash. Pumasok na siya sa loob ng classroom.
Kumuha ako ng ballpen sa bag ko at ginawang ekis ang tsek sa unang senyales. Nag-hello back ako pero hindi lang niya narinig kaya ibig sabihin hindi 'to nangyari.
Sign no. 2: Kapag nalaglag ang gamit mo at 'di ka man lang niya tinulungan.
"Aray!" Napadilat ako nang maramdamang may kung anong bumagsak sa mukha ko. Tumambad sa akin ang naiinis na mukha ni Ash. "Hindi kasi nag-iingat e."
"Pasensya ka na ha. Hindi ko naman kasi gustong mahulog 'yang libro ko. Pero alam mo, kusang nalaglag e. Pati wala naman akong balak manakit, sadyang nabitawan ko lang. Hindi ko ugaling manakit ng iba," galit niyang litanya kaya nagpangiwi ako.
Tumagilid na lang ako ng pagkakahiga at inusog 'yung libro palayo sa mukha ko. Nabasa ko ang isang dedication sa libro: “Hello Maria, thank you for supporting me!” at may pirma iyon ng awtor ng librong 'yon. Pumikit nalang ako.
Nilagyan ko rin ito ng ekis. Hindi naman 'to kay Ash kaya ibig sabihin hindi niya 'to gamit at hindi nangyari ang pangalawang senyales.
Sign no. 3: Kapag ni-likes mo na ang lahat ng profile picture niya pero 'di ka pa rin niya ina-add at chinat.
BINABASA MO ANG
15 Signs na Umaasa Ka
RomansaSi Ashley "Ash" Mendoza ay ang klase ng babaeng patay kung patay sa pagkakaroon ng crush sa isang lalaki. Mula noong unang pasukan pa lang talaga ay tumibok na ang puso niya para kay Jackson "Jack" Collins. Subali't nangangalahati na ang school yea...