Chapter Four

105 13 13
                                    

Chapter Four:
Abu Malik.

PAGKAGISING na pagkagising ko, kaagad kong tinungo ang harap ng computer. Dali-dali iyong ibinukas at gaya ng dating gawi, log in kaagad sa Facebook.

Isang nagniningning at mamula-mulang numero uno ang nasa ibabaw ng ulunan ng logong Friend Request.

Pikit-mata kong pinindot iyon. Bumuga muna ako nang makailang ulit bago dahan-dahang ibinukas ang mga mata.

"JACKKKKKKK!" Sa sobrang tuwa ay 'di ko mapigilang humiyaw.

"Ash? Ano bang nangyayari?" Kaagad kong hinarap si Ate Fe at pinag-aalog.

"Ate Fe in-add na ako ni Jack!" saad ko at hindi magkandamayaw sa tuwa. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko nang mga oras na 'yon.

"Talaga?" Nakisabay na rin si Ate Fe dahil sa sobrang tuwa.

Nang makapagbawi na kami, kaagad kong in-accept si Jack.

Mayamaya lang nakatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya:

"tH4nkzz sA p4G AcC3pT LiTTle mHisxcz asHLey. :*"

Napaatras ako sa screen ng computer at napasigaw nang sobrang lakas. Pagtingin ko kay Ate Fe, naging siya na si Jack pero puro tigyawat at bungi-bungi.

Punyeta! sigaw ko sa isip ko.

"ASH! GISING! Ano ba?!" Daglian akong napabangon nang makaramdam ng malalakas na pag-alog sa aking katawan. Marahas akong napailing at napahawak sa aking dibdib. "Ano bang nangyari? Kalma!" Madiing hinawakan ni Ate Fe ang dalawa kong balikat at pikit akong pinakalma.

"Ate Fe, nanaginip ako. . ." panimula ko. "Hindi ko alam kung daydream ba o nightmare."

"Ha? Bakit naman?" pagtataka ni Ate Fe.

"Nanaginip ako na in-add na raw ako ni Jack," ani ko.

"Daydream nga," anang Ate Fe at nginitian ako. "Yieee!"

"Kaya lang nag-chat siya sa akin," ani ko.

"Super super perfect daydream pala," anang Ate Fe at mas lalong lumakas ang pang-aasar. "Yieeeee!"

"Tapos. . . sobrang jejemon niya to the point na mananakit 'yung mga mata mo habang binabasa 'yung message. I mean, maiintindihan mo naman kung 2011 pa 'yung message niya, kaso 2020 na e. Wala na dapat jejemon. Grabe, para talaga akong binangungot, Ate Fe." Marahan kong hinilot ang aking sentido at dibdib.

"Hay naku, Ash. Kung mahal mo 'yung isang tao, lahat ng negatibong katangiang taglay niya kaya mong tanggapin. Kasi kung hindi, hindi mo talaga mahahanap 'yung taong para sa 'yo. Kung laging gusto mo ay perfect, aba kay Lord mo matatagpuan ang forever mo. Hindi naman sa sinasabi kong hindi magandang ka-forever mo si Lord, pero 'di ba, hayaan mong maging masaya 'yung sarili mo sa lalaking para sa 'yo. Dapat handa mong tanggapin ang lahat ng hindi kanais-nais na ugali at gawi niya gaya ng pagtanggap mo sa mga magaganda niyang katangian. Okay?" Tumango lang ako bilang tugon. Tama nga naman siya, kung mahal mo dapat tanggap mo. Kung gusto mo ng perpekto, e 'di magmadre ka at si God ang gawin mong forever loveydovey.

"And speaking of friend request, tignan na natin 'yung account mo. Nakaka-excite e." Sumilay mula sa mukha ni Ate Fe ang isang ngiti. Maganda rin naman pala siya, 'yun nga lang mas maganda ako. Para sa akin lang naman. Tutal, may kaniya-kaniya namang depinisyon ng ganda ang lahat kaya ba't pa ako lalayo? E 'di ako ang depinisyon ng ganda para sa akin.

Kagaya nang nangyari sa panaginip ko, ibinukas ko ang friend request pero sa pagkakataong ito ay dilat na dilat ang mga mata ko.

"Ay," sabay kami ni Ate Fe na napabuga ng malalim na hininga. Nagkatitigan pa nga kami at parehong-pareho kami ng reaksyon, nakanguso habang umiiling.

15 Signs na Umaasa KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon