Alexa Krizel's pov.
Sunday pala ngayon time namin para umuwi sa mga bahay namin, I mean sa totoong mga bahay namin ganun talaga kami every sunday kami nabisita sa mga bahay namin, siyempre kahit papaano nakakamiss din sa pamilya.
Ginawa ko muna mga orasyon ko bago bumaba sa sala.
After Ilang mins tapos na ako, na abutan ko si Azrah na solo sa baba umalis na ata sina Ray.
"Oh, Azrah hindi ka ba uuwi?" Pagtatanong ko.
"Hindi, as always nag out of town na naman sina mommy and daddy" sabay busangot nang bruha.
"Oo nga pala, want mo magkeribel sa house?" pagsuggest ko.
Isama ko kaya to si Azrah matagal na din bago ako makabisita doon sa bahay nang may kasama ako.
"Nakakahiya na--" Hindi ko na siya pinatapos at kinaladkad ko na nga sya haha nako nako! maganda to na miss ni mommy bunganga nito for sure.
"May hiya ka pa pala haha." Pagjojoke ko.
After thirty minutes nandito na kami sa bahay namin.
"Mommy! Im here!!" Sigaw ko pagkapasok palang saamin
"Hey dont shout Krizel! " Salubong na sigaw naman sakin ni Alex, huwag daw sumigaw tapos sinigawan ako ulul.
'"Hello Alex twinnie, Azrah tara na." pagpaparinig ko kay Alex.
Mukhang gumana ang plano ko at nagulantang ang mukha nang pinakamamahal kong kambal.
"Nasaan si tita?" tanong ni Azrah sakin.
"Hindi yun magpapakita sayo, takot non sa mga baliw." Sabay alis ni Alex.
"Aba't ikaw ba ang tinatanong ha! Alexa ang kambal mo, Nakakabwi-- " Naputol yung sasabihin ni Azrah dahil sa sigaw ni Mommy.
"Hello girls!" - Mommy.
Nakakatawa yung mukha ni Azrah puputok na sa galit jusko beh chill.
"Hi Mommy!" humalik ako sa pisngi ni mommy.
"Hello po tita!" bumeso naman si Azrah kay mommy.
"Azrah my dear, I miss you" haha sabi ko na nga ba.
I told you na, na miss ni mommy bunganga nyang si Azrah haha.
"I missyou too tita." ngiting ngiting sagot ni Azrah.
"Mommy akyat muna kami ha?" Pagpapa-alam ko naman.
"Sure sure baby."
At hayun umakyat nga muna kami sa kwarto ko.
Azrah's pov.
Bwisit talagang Matthew na yon hindi pa ata ako napapatawad, calm down Azrah kasalanan mo yon.
"Hey , Alexa mukhang galit pa sakin si mattew" Sabay busangot ko.
"Halata nga, ramdam ko pa beh" Sagot sakin ni Alexa.
"Sana pala hindi nalang ako sumama dito huhu" Pagdadrama ko.
"No! buti nga sumama ka dito I have an idea, what if ngayon kana mag bake? may ingredients naman diyan sa baba." suggestion ni Alexa.
Tumatalino tong manok na ito ha, what a bright idea.
"Butwhat if makita tayo ni Matthew o ni tita?" naisip ko lang din.
"Dont worry Azrah hindi naman nababa yang si Alex sa kwarto niya and about mommy? ka-aalis lang niya." mahabang explaination ni Alexa.
