Angelo's pov.
Nautusan pa ako ni mama sumundo kay Annika medyo malapit naman yung school nila dito walking distance lang naman pero sadyang tamad lang talaga ako kanina pa sana ako nasa bahay masarap ang buhay palaro laro lang nang PSP pero heto ako ngayon susundo nang grade school student.
Baka kung saan pa yun magyayang batang yun isip bata pa naman kung saan saan nagyaya hindi ko naman matanggihan kasi basta di ko kaya matanggihan.
Medyo malapit lapit na ako natanaw ko na din si Annika nakikipaghabulan doon sa mga kalaro nya ata yun haynako talaga tong kapatid ko paano nalang pag nadapa to.
"Ahhhhhhhh!!!" rinig kong bulalas nang baby ko.
Kakasabi ko palang ginawa agad, tatakbo na sana ako nang---??
Ano ginagawa ni Alexa dito? hindi na muna ako lumapit pinagmasdan ko muna sila inalalayan niya si Annika maka upo dun sa swing tapos pinapatahan ang feeling close nang babaeng to tinitingnan ko lang sila medyo napatigil sya nang about 30 seconds? Problema nito? Nagandahan ata sa kapatid ko narealize nya ata na may mas maganda pa sakanya dito sa mundo.
Linagyan nya nang band-aid na design Hello kitty ayos ha? may design tuwang tuwa naman kapatid ko kung hindi nyo naitatanong favorite ni Annika ang Hello kitty, Mukhang magkakasundo sila sa hello kitty.
Medyo nagtatawanan na sila? Mabait pala sya tsaka maalalahani-- , ano ba tong nakikita ko teka saan to pupunt- Ahh? Bumili nang ice cream , nako parehas pa pala isip bata nagsama pa.
Mga 30 minutes na ako dito sa may kanto kakahantay sa pag alis ni Alexa medyo nasasarapan sila sa kwentuhan, maya maya pa nagpapa alam na si Alexa kay Annika napansin nya ata na mag gagabi na.
Pagkaalis na pag ka alis ni Alexa pumunta na agad ako sa kapatid ko.
"Oh napano yang tuhod mong bata ka?" Pagtatanong ko na kunwari hindi ko alam.
"Nadapa kasi ako Angelo sayang hindi mo na abutan si ate ganda, I mean Ate Alexa ang ganda nya tsaka ang bait tignan mo oh nilagyan nya nang design yung tuhod ko" kwento nang kapatid ko habang naglalakad kami tuwang tuwa close na agad sila.
Mga babae talaga , I mean mga isip bata talaga madaling nagkakasundo.
Ray Hayley's pov.
Saktong pagbaba ko na abutan ko si Alexa na kakadating lang.
"Oi saan ka galing?" tanong ko naman.
"May pinabili kasi sakin si Katie, cartolina dyan malapit sa educational store malapit sa subdivision natin kaso may nakita akong cute na batang babae nadapa ang gaan nga loob kosakanya kaya medyo natagalan ako haha, kumain pa kami ice cream tsaka nagkwentuhan, kaya ganun" kwento niya na tuwang tuwa.
"Ah ganun ba, dalian mo kanina ka pa nga hinihintay ni Katie kailangan noon bukas" sabi ko at pumunta sa sala.
Ito talagang babaeng to kahit girly at maarte ang aura caring to tsaka maalalahanin sadyang hindi lang talaga halata haha.
Katamad pumasok bukas, ano kaya kung umabsent ako? Isang beses lang naman.
*Kriiiing krriiing*
Incoming call~
*Toffer Sanchez
Ano na naman ba kailangan nitong lalakeng ito.
"Hello? Ley pumasok ka bukas, huwag ka mag-aabsent!" kakaplano ko lang naman.
"Nakakata--"*toot toot* Pinutol na agad noong loko alam ata na magrereklamo ako.
- -
Nandito na kami ngayon sa school nasaan na kaya si Toffer? hindi ako pinapa-absent tapos siya wala pa dito?