Azrah's pov.
Nandito ako ngayon sa play ground sa harap nang mansion namin, parang dinesign talaga to sa loob nang bahay namin para kung gusto mo mapag-isa dito ka pupunta.
Wala sa trip ko lang mapag-isa ngayon busy pa naman silang lahat hays.
Pinikit ko naman yung mata ko para makapag isip isip nang mga nakaraan.
Napangiti ako nang mapait nang may ma alala ako.
"Diba singkit babalik ka? hindi mo naman ako iiwan di ba?" medyo naiiyak kong tanong sakanya.
Ngumiti lang sya sakin nun tapos sumakay na sa kotse nila na maghahatid sakanya papuntang airport, siya pa lang nun yung bestfriend ko hindi naman kasi ako ganun ka friendly dati.
Hinabol ko pa yung kotse nila kasi wala siyang sinagot sakin pero unti unti nang nawawala sa paningin ko yung kotse nila, 4 years old palang ata ako nun? Basta bata pa kami non kahit bata pa kami nun hinding hindi ko yun makakalimutan.
Hindi na siya bumaba, napa upo nalang ako dun sa kalsada pero may naramdaman akong tumama sa ulo ko.
Eroplanong papel?
Binuksan ko naman agad may nabasa akong "Oo babalik ako! Ang drama mo panget!"
Yun dahil sa nabasa ko napangiti ako nandoon pala sa likod ko sina mommy sumama na ako sakanila pabalik nang bahay . .
At hanggang ngayon tuwing mag isa ako na aalala ko si singkit, siya ang nag iisa kong best buddy noon.
Naramdaman kong may tumulong luha sa mata ko, hinayaan ko lang silang tumulo ako lang naman ang nandito wala namang makakakita.
"Kelan ka kaya babalik? Almost 10 years na simula nang hindi kami magkita, na aalala mo pa kaya ako? Nakaka inis ka kasi wala kang pasabi na aalis kana" nasabi ko nalang habang nakapikit ako may tumulong luha pa din sa mata ko.
"Nandito na ako." may nagsalita sa harap ko sabay pinunasan nya yung luha sa mata ko habang nakapikit pa ako.
Medyo kumunot yung noo ko, n-andito na sya? Unti unti kong minulat yung mata ko a-t may bumungad saking napaka gwapong singkit na lalaki.
"S-singkit?!" sobrang kinakabahan kong tanong hindi ako makapaniwala siya na ba ito? After almost 10 years ngayon ko lang siya makaka usap.
"Hahaha ako nga to panget" natatatawa nyang sagot.
At yun di ko na napigilang umiyak nang sobra, sa na miss ko sya! Tapos as in straight na straight! hindi man lang sya nang bakasyon dito sa pinas kahit isang buwan! isang linggo,isang araw? Isang oras!
![](https://img.wattpad.com/cover/72975150-288-k127799.jpg)