Keith's pov.
Nasaan kaya si Katie? anla Ms.Councilor pala, kakatapos ko lang nang training namin sa basketball pagod pa ako, ako ang captain nila kaya I should practice pa nang mas matagal pero dahil sa tinawagan ako ni Miss.Councilor wala akong magagawa.
Hep hep! Hindi ibig sabihin under nya na ako ha! ano sadyang ginaganahan lang ako ngayon.
"Oi Keith, tara na don tayo sa library!" pagtingin ko kung sino ang sumigaw sino pa nga ba? tsk.
"Oo na! Istorbo, pag kami natalo sa interhigh ngayong taon dahil yun sayo! Kinelangan ko pang iwan sina Drake don!" pagrereklamo ko sakanya.
"Huwag ka nga bumunganga dyan! as if ang kaya mo lang naman gawin foul!" pagsagot nya.
Aba aba?! lumalaban na tong babaeng to ha? pasalama't sya! tsk wala!
Naglakad na kami papunta sa library at mabuti naman at konti lang ang tao dito, makatulog na nga lang pag naka-upo na kami.
"Hey makukunin lang ako ha? Don't you dare na tumayo dyan ha?! Ha?!" pagbabanta pa nang babaeng to sabay pakita ng kamao nya.
Hindi ko na nga lang pinansin, bahala sya dumakdak dyan nakita nyang pagod yung tao.
Nawalan na nga ako nang ulirat dahil unti unti na akong nakakatulog ang sarap talaga matulog aircon pa naman dito sa loob konti pa ang tao.
"Keith ngayon ko lang napansin ang gwapo mo pala! kiss mo nga ako! dont you know matagal na kitang gusto!" [ matching kinikilig pa ang boses ] si Katie to ha? sinasabi ko na nga ba may hidden desire to sakin haha aba't nagpapakiss pa, hindi naman ako mahirap paki usapan.
Ngumuso naman ako para makatikim na to ng sweetest kiss of all living man in the earth.
*BLAAAAMMMM*
"Nasaan ang bomba?!" halos mahulog ako sa upuan sa sobrang gulat.
"ANO?! BOMBA?! Gusto mong bombahin ko yang ulo mo? ang sarap nang tulog mo huh?! kumuha lang ako nang mga books nanaginip kana agad?! parang narinig ko pa pangalan ko ha umayos ka nga para kang tanga na ngumunguso dyan!" inis na sabi niya pero medyo natatawa.
PANAGINIP?! tch bwisit talaga tong babaeng to, ang galing manira kung kelan hahalikan ko na sy--Hindi! buti nalang ginising nya ako kung hindi nabangungot na ako kung halikan ko sya ew.
"Ano bang ginagawa natin dito sa libary huh?" pagtatanong ko.
"Kumuha lang naman ako nang mga libro para ipangatngat ko sayo! Ano ba naman yan Keith! Sa tingin mo ano ginagawa sa libro?" pagtataray nyang sagot.
Kanina pa to nagsusungit ha.
"Tinititigan hehe" pagbibiro ko sakanya, eto talagang babaeng to napakaseryoso masyado.
