Francine's pov.
Heto ako ngayon nakatulala, iniisip ko kung paano mananakaw doon sa kulangot na lalaking yun yung harrypotter na libro, hindi na ako makapaghintay nang two months jusko ang tagal pa non.
Ano kaya kung kaibiganin ko? akitin ko? sapakin ko? magmakaawa ako? kidnappin ko? tapos ang randsom yung libro napa iling nalang ako sa mga pinag-iisip ko.
Nasa mansion kami ngayon cause halfday lang kami kasi daw may emergency meeting yung mga teachers.
"Girls nagtext sakin si Drake pupunta daw sila dito nina Paul tsaka Xander." rinig kong sigaw ni Ray.
Xander? who's that guy? may hindi pa ba ako kilala na naging friend nila? because remember guys? transferee ako sa school nila.
"Katie sino yung Xander?" Pagtatakang tanong ko.
"A good friend of us, bestfriend siya nila Paul and Drake classmate niyo siya ni Azrah!" Medyo pasigaw na sagoy ni Katie bunganga nito jusko.
Ah friend pala talaga nila at sandali classmate pala namin? Hindi naman kasi ako pala tingin sa mukha nang kaklase ko, ano kaya itsura noon? siya nalang ang hindi ko pa namemeet at personal na maging friend sana naman mabait.
"But ano ba gagawin nila dito?" Pagtatanong ko ulit.
"Gagawa kami nang volcano para sa project namin pero si Xander sumama lang daw bored daw yung ugok." sagot ni Ray.
"Ah, oo nga pala classmate niyo din pala si Drake tsaka Paul" Pagsang-ayon ko.
"Yeah, so wait lang ha? ireready ko lang yung mga gagamitin namin" -Ray
Umakyat nalang muna ako sa room ko busy pala sila ngayon kami kasi ni Azrah remember ibang section, wala pa naman samin pinapagawang project at si Azrah? hayun nakahiga sa sofa nabali- -este may pinapaunod haha.
Inaantok tuloy ako...
Wahh Zzzzzz..
Napamulat naman ako, nakatulog pala ako.
"Francine?" rinig kong tawag ni Katie.
"Yes Katie?" sagot ko.
"Movie marathon with them wanna join?" -Katie.
"Sure, susunod ako sa baba mag aayos lang ako" pagpapa-alam ko.
Napatingin naman ako sa orasan ko 3:15 pm na pala, halos isang oras akong tulog tapos na ata sila sa volcano nila at na isipang mag movie marathon . .
Xander's pov.
Napakabagot naman dito, Nasaan na ba yung babae na yon! Yeah i know her.
Im Xander Fortalejo, the Cassanova prince nang Royal Academy kung hindi pa sainyo nabanggit yon ngayon alam nyo na din gusto niyo sila makilala? Okay dahil bored ako papakilala ko na, hindi naman sa pagmamayabang yan.
Casannova prince= XANDER FORTALEJO
Charmistic prince= Tristan Drake Sy
Bubbly prince= Paul Louise Dizon
Cold prince= Alex Matthew
GomesBadboy looking prince= Keith Cortes
Snobbish prince= Angelo Cruz
Meron daw na 6 prince ang Royal High at sakin napunta ang panggalang Cassanova prince not bad cause it's perfectly suit on me, close na kaming 6 sa hindi mahanap na kadahilanan.
