Angelo's pov.Nasa mall ako ngayon para mag grocery dahil sa wala na akong pagkain sa condo.
Kung ano ano naman ang kinuha ko sa may pera ako. Tsk.
Habang kumukuha ako ng mga de lata nakarinig ako ng bungisngis ng mga babae sa likod ko.
Pagtingin ko naman, nagulat ako. Shit yung Alexa ito ha yung babaeng baliw na lagi ko g nakikitang nakatingin sa akin at ewan parang ang dami niyang gustong itanong sa akin nang palihim, kasama niya yung kaibigan niya.
Hindi naman sa feeling pero oo naman talaga. Ganito kasi yun.
* FLASHBACK *
Nanahimik ako dito sa upuan ko ng bigla akong tawagin ni Paul.
"Angelo ano nga ulit paborito mong kulay? Pinapatanong kasi ni Alexa- ay este hindi hindi pinapatanong ng kapitbahay namin. AY MALI!"
"Hoy Paul wag mo nga akong pinagloloko loko jan. Red! Yan ang paboritong kulay ko. Tsaka bakit naman itatanong ni Alexa yan?" Tanong ko sakanya, sa pagkaka-alam ko kaklase namin yang Alexa Gomez? Teka nga bakit parang may ka tunog yung pangalan niya?
"Sus diba obvious? Crush ka nun pre! Ay mali! Crush kita. AY! PARE MALI MALI. HINDI KITA CRUSH!"
Natawa naman bigla ako hindi talaga tong mapagkakatiwalaan si Paul.
Napatingin naman ako sa side nila Alexa at nakatingin siya sakin.
Bigla naman akong kinalibutan. Hindi kaya may sira ito?
Napailing na lang ako.
* END OF FLASHBACK *
Napatingin naman sila sakin. Shit. nahuli tuloy akong tinitingnan sila baka mag isip ng iba yung Alexa.
wrong move Angelo.
"Oy diba ikaw sj Angelo? Yieeeee, Alexa! Alexa! Diba ito yung crush mo? Hahahaha" Pang-aalaska sakanya ng kaibigan niya.
Na weirduhan naman ako doon, ang lakas ng trip nilang magkaibigan? Ilaglag ba naman sarili niyang kaibigan?
"Azrah manahimik ka nga ipakain ko sayo tong baking powder na buong buo" pinandilatan niya pa yung Azrah ata yon.
Ang cute niya- ay este hindi! Hindi pwede! May sayad siya! Kaya hindi dapat ganun, tsk.
Lumayo na ako sakanila at baka paglabas ko ng mall wala na ako, ayokong mawalan ng gwapong anak sina mama.
Dumaan naman ako sa may mga drinks at bigla akong nakaramdam ng sakit sa likod ko.
Pagtingin ko eh binangga nila ako sa likod.
"So-sorry. Si Azrah kasi"
Tinignan ko sila ng masama at hindi ko nalang sila pinansin.
Habang pumipili naman ako ng drinks narinig ko usapan nila.
"Alam niya kayang gusto ko siya?" kinakabahang tanong ni Alexa kay azrah.
"Feeling ko oo ang sungit niya sa atin" Sagot naman ni Azrah.
"Ikaw kasi masyado kang pahalat ayan tuloy nalaman niya!" May halong inis sa boses niya.
Napailing na lang ako sa mga pinag sasabi nila, mga babae talaga.
Nagulat naman ako ng biglang tumunog yung phone ko.
May tumatawag, sinagot ko naman.
"Hello. . . "
![](https://img.wattpad.com/cover/72975150-288-k127799.jpg)