Azrah's pov.
Nandito na kami kanina pa sa school, nakakainis nga si Francine hindi ako tinirhan ng hotdog tinapay lang tuloy nakain ko ngayon :-(
Enough of that miss ko na si Ray hindi kasi siya umuwi kagabi, ano kayang problema nung babaeng yon at sa bahay nila umuwi kagabi?
Habang busy ako sa pag iisip habang naglalakad sa hallway, bigla nalang nag vibrate yung phone ko.
1 message recieved-
*+63928392928372
See you! I miss you soo much! - VL
Huh? sino ba to OMG! pano nya nalaman ang number ko? tch ang luma pa naman na nitong simcard ko makapagpalit na nga siguro madami nang may alam nang number ko kaya may nakakapagtext na rin sakin na hindi ko kilala.
Sa huli hindi ko na nga lang nireplyan baka secret admirer ko pa to haha chos! delikado na.
Ayun na nga pumasok na ako sa room absent nga si Alex? Ano kayang nangyari don? Katamad makinig kay madam bakit pa kasi hinahanap ang X! Pwede namang yung future nalang nagsasayang pa nang oras dyan sa x na yan psh.
Natapos yung 2 subjects namin na wala akong naintindihan, naiisip ko pa rin yung nagtext iba yung feeling ko dun tsaka VL? Ano kaya meaning nun? tss.
VL? Hmm.. Victor Lolo? pwe, ang pangit! wrong! vin-
*toink*
"Arayyyy!! Bwisit! Sino yon ha? Nakakabukol kayo!" sigaw ko sa loob nang room snack time na pala napatingin naman ako sa mga classmates ko na nagbabatuhan nang mga paper mga bwisit.
"Tara na nga Francine, labas na tay-" pagyaya ko sana kay Francine.
"H-hoy manyakis! B-bitawan mo nga ako! San-n mo-ko dadalhin?!" narinig kong pagpupumiglas ni Francine kay Xander.
"Wag ka maingay! Ms.Flatchested!" Huh? Mga problema nang mga tao ngayon?! Mga weirdo.
Natapos ang araw kongayon na wala akong naka usap pati nga sa sasakyan nakatulog ako, pababa na ako nang kotse nang bigla na namang nag vibrate yung phone ko.
1 message recieved~
*+63928392928372
See you soon :) Sleep well :* -VL
Aba't yung same number na naman tulad nung kanina? Sino ba to?! Bwisit! Bobombahin ko kung sino mang nilalang ang naglalaruan sa number ko!
"Katie! May kilala ka bang number na ito?" sabay pakita ko nang phone ko kay Katie.
"Wala naman, sino ba yan? yieee! May stalker na sya! hahaha." pang aasar ni Katie habang tinutusok tusok pa yung tagiliran ko.
"Hoy Katie tigilan mo nga ako!" Sabi ko naman.
"At! Meron na siyang stalker! Mag ingat ka lang huh? Baka kung saan ka kaladkarin nyang stalker mo!" Pang aasar din ni Alexa.
Mga asar to!, haha but happy life with mah kababata and bestfriends!
speaking of Kababata? kilala pa kaya ako ni --
"Hey girls! I have something to ask you! " Pagsigaw ni Ray.
Takbuhan naman na agad kami, napapansin ko lang wala pa si Francine huh? Nasaan kaya yung babaeng yun? . .
Francine's pov.
Napaka bwisit! Ang sakit na nang dalawang binti ko! Kanina pa ako naglalakad pauwi, walanghiyang Xander yun! pagkatapos ako kaladkadin tapos pasakayin sa kotse niya, nakakita lang nan-- Okay! Maganda yung babae! Pinalabas lang sya sa kotse nya tapos pagbalik kulang nalang kaladkadin ako palabas nang kotse nya tapos sumakay yung babae! Nako! Nanggigigil ako! Ganun na ba siya ka atat?! Bwisit! Hinayupak!
Alam nyo ba kung gaano ako kabadtrip?! Walanghiya! Habang naglalakad ako dito yung lintanya kong "Walanghiyang manyakis yun! Ililibing ko syang buhay bukas!" Pa ulit ulit ko yang sinasabi habang naglalakad ako parang may dinuduro nga ako kaya panay tingin nang mga tao sakin.
Sino ba naman kasing hindi mabwibwsit dun? Di ba? Di ba? Sabihin nyo nga?! Walanghiya talaga! Di ko naman matawagan si Ray o di kaya si Alexa kasi naiwan ko sa walanghiya nyang kotseng bulok yung cellphone ko! Hinabol ko pa nga yung kotse nyang bulok pero di man lang ako tinigilan napaka talaga!
Kaya kong maglakad kaya ko pa! Akala nya hindi ko kayang maglakad?! Mukha nyang bulok parehas nung kotse ny--
*Pipittt! Pipiiiiiittt!!!* (Huwag kayo tunog yan nang busina)
"Hoy anong trip yang ginagawa mo?! Hahaha."
"Heh! Wala kang paki alam! Ihatid mo nga ako sa mansion oh!" Pag uutos ko sakanya.
"Yes mam!" With matching pa salute salute pa ang mokong.
Kung tinatanong nyo kung sino to? yung hinayupak na kaibigan ni Xander at Drake walang iba kundi si Paul, buti nalang nakita nya ako.
"Akala ko ba kasama ka ni Xander?" pagbasag nya nang katahimikan sa lood nang kotse.
Nako narinig ko na naman ang sinumpang pangalan!
"Huwag mo nga yang mabangitbangit sakin na sinumpang pangalan na yan! Pagkatapos nya ako iwan! Kasama yung babae nya! Nagmamadali pang umalis ! Nako nanggigigil ako Paul!" Pasigaw kung sabi.
"Ahh Hahaha yung babae ba matangkad tsaka brown ang buhok na mahaba na straight na straight?"
Aba't interesado pa sya don?! Alam ko maganda yung babae pero ewan ko.
"Oo!"
"Ah baka naman wala" napatigil siya sa pagsasalita at wala na atang balak tapusin yung sasabihin.
At dahil sa init nang ulo ko di ko na tinanong kong ano yung pinutol nyang sabihin.
Pagkatapos nang medyo mahaba habang biyahe nakarating din kami.
"Bye Francine!" Pag papa alam nya.
"Thankyou Paul! by the way pakisabi nga don sa may sinumpang pangalan na yung cellphone ko hanapin nya sa kotse nyang bulok kase na iwan ko huh?" tumango naman na sya bago siya umalis nang tuluyan.
Haynako parang mahaba haba ang itutulog ko ngayon nakakapagod. Mahabang tulog! Here I come :)
- vote and comment guys thankyou.
[ Si Azrah and Francine po yung nasa multimedia ]