Alexa Krizel's pov.
Hi guys ako nga pala si Alexa the goddess of beauty and cuteness.
"Alex treat me naman oh!" Pangungulit ko sa twin brother ko with matching pout and puppy eyes.
"Leave me alone Alexa! Tigilan mo nga yang ginagawa mo mas lalo kang napangit!" Sagot naman sakin ni Alex napaka walang puso.
"Napakabarat mo namang lalaki ka! 20 pesos lang naman ang isang burger di mo pa ako mabilhan!" Sabi ko sabay simangot.
"Thats the point! 20 LANG pala, edi ikaw bumili ikaw kakain." pambabara sakin ni Alex dont get me wrong may pera ako noh tinatamad lang akong bumili :(
At yun lumayas na ako sa harap ng napakagaling kung kambal napaka sungit daig pang pinaglihi sa sama ng loob!
"Oh Alexa ,anong nangyari sayo? Mukha ka nang raisin kunot na kunot mukha mo ha?" tawang-tawa na tanong sakin ni Azrah.
"Eh kasi napaka--" Naputol yung sasabihin ko nang nagsalita si Alex? Sumunod pala.
"Alexa! by the way mom told me that you must go home to-"
Naputol ang sasabihin nya at napatingin sya kay Azrah, wait a minute kapeng mainit.
"You physco?!" *irritated voice*
"Oh problema mo? natulala ka ata? maganda ba ako? kung yun sasabihin mo maliit na bagay." dirediretsong talak ni Azrah.
Literal na napanganga din ako sa sinabi ni Azrah haha as in ang taas ng confidence level! Nagmana talaga kami sa isa't isa! kaya ata kami pinagtagpo tagpo haha.
"Fuck! did you hear it Alexa?! bakit kasama mo yang baliw na yan? naririnig mo ba sinasabi nya? nakakatakot siya! huwag kang sumama jan!" sabay hatak sakin ni Alex papunta sa tabi niya.
"Shut up Alex! magkasundo nga kayo azrah tayo na nga, and pakisabi kay mommy uuwi ako tonight sigi got to go!" sunod sunod kong sabi.
Bago pa kami umalis nakita ko pinandilatan pa ni Azrah si Alex haynako ang cute nila together!
Alex Matthew's pov.
Wait nagloloading pa sa utak ko siya na si AZRAH? seryoso AZRAH PARK?! Yung tabachoy na kalaro nina Alexa sa bahay dati nung mga around 5 years old palang kami.
Siya na yung batang babaeng sinusungitan ako lagi kahit nasa bahay sya NAMIN! oo tama kayo ng basa bahay namin, walang manners yung babaeng yun ang kapal ng mukha niya, siya pala si PHYSCO GIRL! I will never forget our first encounter here in the campus, nakakabanas halos tumaas na naman ang dugo ko sa ulo pag na aalala ko yun.
Maya maya tapos na yung lunch break kaya dumiretso na ako sa room at nakita ko yung si tabachoy nakahiga sa upuan nya na parang star fish babae ba to? hindi marunong nang act like a lady!
Kinunutan ko naman siya ng noo para umusod siya kasi nakaupo ako sa may bintana at kelangan ko dumaan sa harap nya bago ako umupo tumayo muna sya at bago pa ako umupo.
*Bwaaaakkkkkkkkk*
"What the fuck?!" Halos maputol ang litid ko sa sigaw ko.
No no no no this is not happening!!
Napatingin ako sa damit ko at halos mamuti lahat ng buhok ko sa ulo!! ikaw ba naman sukahan ng babaeng ito! napakabaho damn super baho! napatingin naman ako sakanya then nakita ko syang parang matutumba kaya kahit bwisit na bwisit ako inalalayan ko sya bago mawalan ng malay.