Chapter 1

3K 22 18
                                    

Chapter 1 : Friend Request

"Hey, free ka?"

Napangisi ako sa nabasa. It's been awhile since I last saw my ate Joan ; siguro last sem pa. Medyo malayo kase 'yong bahay nila sa 'min at isa pa medyo busy talaga ako sa school dagdag pa yung tight na schedule nya dahil sa trabaho.

Nagtipa agad ako ng sagot. "Oo naman :) Bakit?"

Although alam ko naman na gagala kami; just like the old times. Nung wala pa s'yang trabaho at di pa ako college.

Mabilis na nagvibrate yung phone ko, malamang excited din 'to.

Pareho kaming nag-iisang anak ni ate. Nung bata pa ako, siya ang lagi kong kalaro dahil hindi naman kami parehong pinapayagang lumabas ng parents namin. Nuon kase, sa iisang bahay pa kami nakatirang lahat, nung buhay pa ang lola.

"May outing kami sa Batangas kasama friends ko. Sama ka? Di ka naman siguro ma-oop."

Nawala ang ngisi ko. Kasama namin ang friends nya? Hindi naman sa ayaw ko sa friends nya pero medyo matatanda na rin kase yung friends nya, especially those from work. S'ya na nga ata ang pinaka bata.

I bit my lower lip, nag-iisip kung pano tatanggi. Di ko rin naman kase pwedeng idahilan ang school dahil summer break.

Bago pa ako magtipa ng sagot, nagvibrate ulit ang phone ko.

"Sige na be! Baka di na tayo magkikita after neto kase nalipat ako ng branch. Medyo mas malayo yun! Sige ka baka mamiss mo 'ko!"

Napairap ako sa nabasa. Dyan! Dyan s'ya magaling. Palagi na lang nang-gi-guilt trip.

Ngumisi ulit ako , umiling saka nagtipa ng sagot.

"Sure :)" Kahit kailan talaga!

***

"Asan na ba tayo?" tanong ulit ni ate Carla. Pang-ilang ulit na ba n'yang natanong yan throughout the trip? 4? 5?

Si ate Joan ang nagdadrive dahil Van ata nila ang gamit. Ako sa passenger seat, si ate Lia na naging make-up artist ko noon sa isang pageant at si ate Carla na bestfriend daw ni ate Joan ang sa likod namin. May 8 pang seats pero mas gusto ata nila ang magkatabi.

"Grabe naman ang traffic na yan. Mas OA pa ata sa EDSA." Inis na sabi ni ate Cha.

Matagal din kaming nagtraffic sa may Bauan. Nagkamali ata kase si ate ng dinaanan. Imbis tuloy na nasa Anilao Port na kami, nandito pa rin kami sa gitna ng traffic.

Nang makarating na kami sa Tingloy port, hindi ko maiwasang hindi mamangha sa malinaw na tubig. Kadalasan kasi sa mga port na napuntahan ko ay madumi at polluted na dahil sa mga residente malapit dun. But this one.. this one is Avalon.

We decided to leave the Van in a public parking space saka kami sumakay na ng Bangka papuntang tingloy bitbit yung foods and tents namin. Apparently, 2 days and 1 night daw kami dun.

Pagkababa ng boat, nag lakad pa kami bago makarating kung saan naka set up na yung tents ng iba pa naming kasama.

The beach itself is paradise. Malinaw yung tubig at walang katao-tao. Kami lang tsaka yung ibang residente na dumadaan.

There's a thin line where the sky meets the sea. Nuon ko lang napansin ang langit na medyo nagdidilim na. Visible na ang mga sumasayaw na bit'win. Oh how I love the stars.

Cannot BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon