Chapter 3

394 18 13
  • Dedicated kay Giselle Morcilla
                                    



Chapter 3: Hey Boss


"--This will help you immerge yourself with the career path that you chose. I sure hope you pick a company that will cater your abilities well and will be suited for your career track." Closing remark ni Miss Abuela.


Basically, this is like OJT but for 1 whole month and it's up to us kung magoobserve lang kami or tutulong na rin. Plus, kami ang pipili ng company or whatever na papasukan namin. Given that our facilitator will call the school para iconfirm na pumasok talaga dun. In my opinion, this is a nice activity.


"San ka Cara?" tanong ni Patsi saka dumungaw sa form na hawak ko.


Blanko pa ang company 'nun. Wala pa akong maisip kung saan ako compatible. Di naman pwede sa firm ni papa kase masyadong malayo, si mama naman masyadong busy; ni hindi ko nga maabutan sa bahay.


"Di ko pa nga sure eh. Ikaw ba?" tanong ko saka dumungaw din sa papel niya.


"Radio Station ka?" dagdag ko nung nabasa ko yung nakasulat.


"Oo. Tumawag na 'ko nung nakaraan kase gusto ko talagang sa kanila na din magtrabaho."


Kapag talaga passion mo ang isang bagay kitang-kita sa mata. Kulang na lang ata magkaron ng laser ang mata niya dahil sa sobrang kinang. I used to look forward in writing as well.. Now, I just lost every bits of motivation in my body.


Tinignan ko ang relo ko, it's still 8 am, 2 hours pa bago vacant ni Liv. I fished out my phone saka nagtype.


"Liv! SOS! Café de Mendiolla at 10?"


Tinitigan ko ang natype ko. Nakakahiya naman kanila tita pero wala naman na akong maisip na ibang lugar na pwede at in line sa kinuha ko.


Wala pang isang minuto nagvibrate na ang phone ko.


"Sure :)"


Since vacant ako ng 3 hours, dumiretso muna akong nbs. Hanap ng magandang libro tapos basa basa hanggang di pa nagte-ten.


MEDYO masakit na ang batok ko at mabigat na rin ang mata ko kakabasa pero halos 30 minutes pa before 10. Tumawid ako papuntang mall kung na saan yung café de mediolla at para na rin makigamit ng malaki-laking mirror at magretouch.


Mabuti na lang wala masyadong tao sa CR at free pa ang mirrors. Naglakad ako agad dun sa gilid para malapit sa tissue saka hand dryer.


I checked out the girl beside me through the mirror.


Medyo maliit siya kahit na mataas na ang heels. Mahaba ang buhok niyang hanggang hips, and she's rocking it! Kitang-kita na natural na natural ang face niya. Lip tint lang ata at eyebrow pencil ang ginamit. Her dress is hugging her curves wonderfully.

Cannot BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon