Chapter 4: I need to rest
The room wasn't so bad. It's quite spacious for 9 employees; well-ventilated din and very clean.
Hindi naman daw busy sa Technical Team. Kapag may sirang computer, printer, Xerox machine, etcetera lang naman daw sila madalas kailangan. No wonder most of them play Clash of Clans or DoTA.
Nate is the head of the Tech Team; siya daw yung gumagawa ng reports and whatnots. Apparently, all I have to do is check for errors and make power point presentations or print when he needs me too.
Sa loob ng Techinical Department, may sariling office and head so duon kami pumasok. Nagpalagay pa siya ng isa pang table at isang chair for me.
Since wala pa akong mailagay sa table ko, I just fished out my phone saka nagwifi. A smart millennial never goes out without a power bank, and a pocket wifi.
Nung medyo nabored na ako from scrolling down, pasimple akong nagnakaw ng tingin mula sa table ko.
From the annoying guy with shabby hair that I met back in Batangas, he cleaned up pretty well. He's wearing white rolled up long sleeves tucked in a black slack na perfect ang fit. Even his shoes are shiny! Like what I remember, his side profile is gorgeous, but not as much pagnakaharap. He actually looks hot with glasses and with a serious face, much hotter than when he's smiling.
Malinis din yung table nya, may dalawang photo frame, isang pen holder, a laptop and folders. Mukhang kumportable din yung swivel chair niya.
He suddenly looked my way, nag-init ang pisngi ko. Did he notice?
Tumayo siya saka lumapit sakin. I gulped.
Itinuon niya ang kamay niya sa table ko. I gulped again.
Unti-unti akong nagtaas ng tingin. Kung pwede lang magmura ay ginawa ko na.
"Lunch time na. Kain na tayo." Sabi niya. I felt relieved. Maybe movie scenes are fictional for a reason. Akala ko bigla-bigla na lang niya akong hahalikan, then I'd have to slap him and...
"Shut up!" Did I say that out loud?
May girlfriend nga pala siya.
"Sorry... Tara na?" sabi ko saka nagpakawala ng awkward na ngiti. Pumikit ako ng mariin saka nagkagat ng labi.
Nang mamulat ako nakatingin pa rin siya.
"Po.." nakatingin pa rin.
"Boss?" sabi ko saka lumunok ulit.
Ang sakit na ng lalamunan ko kakalunok.
BINABASA MO ANG
Cannot Be
Teen FictionSa mundo ng matematika, kapag sinabing cannot be, borrow one lang ang sagot. Sa totoong buhay kapag sinabing cannot be, mukhang mas kumplikado ang lahat. Tells the story of Cara Faye Quetzal and Nathaniel James Zhang.