Chapter 15: Closer
Nagpahinga kami sa likod bahay nila pagkatapos kumain. Mayroong duyan duon na agad kong sinubukan. Bibihira kase akong makasakay sa ganun. It was even better dahil it's facing the sea.
"Oh, tikman mo 'to." rinig ko ang boses ni Nate, coming close.
Hindi ko siya nilingon dahil masyado na akong kumportable sa pagkakahiga. Naupo siya sa tabi ko at inalok ako ng isang plato ng mango strips at bagoong sa gilid. Mabilis na naglawa ang laway sa loob ng bibig ko.
I reached out for one. "San mo nakuha?" tanong ko, my gaze was fixed at the sea.
"Nagkakandalaglag na daw sa bakuran nila kakang betty. Ipatikim ko raw sa iyo. Gusto ka pa ngang makita." sabi niya saka kumuha rin saka isinawsaw sa bagoong.
"Anong sabi mo?"
"Syempre salamat." natatawa niyang sabi.
"Hindi.. Ano ba yan ang shunga." sabi ko.
Natawa siya ulit. I glared at him. "Bakit?!" sabi ko.
"Wala ngayon lang kita narinig ng ganyan. Panay ka english tapos shinunga mo pa ko." sabi nya.
Inirapan ko siya. "You should feel honored then." sabi ko.
"Pero seryoso ano ngang sabi mo?"
He shook his head lightly, grinning. "Wala, sabi ko nagpapahinga ka. Napagod sa byahe." ani 'to.
Natahimik kami sandali pagkatapos nuon. The silence was better dahil rinig na rinig namin ang alon. It was calming and peaceful, just like how I wanted it.
I decided to take a nap.
***
Nagtatawanang mga bata ang gumising sa akin. Nagpanic ako dahil wala namang mga bata sa bahay namin pero nawala iyon nung maalala kong wala nga pala ako sa bahay.
I checked my phone. No text or missed call, buhay single. Tinignan ko ang oras and it flashed 4:46.
I traced the marks on my skin from the swing, I must've had a good nap.
Nate was nowhere to be found. Wala siya sa likod bahay at wala rin sa loob. The old lady who accomodated us was nowhere to be found as well kaya napagpasyahan kong lumabas.
Nagtatakbuhang mga bata ang nadatnan ko sa harap bahay. When they saw me, they stopped playing. I smiled at them and they smiled bashfully.
BINABASA MO ANG
Cannot Be
Teen FictionSa mundo ng matematika, kapag sinabing cannot be, borrow one lang ang sagot. Sa totoong buhay kapag sinabing cannot be, mukhang mas kumplikado ang lahat. Tells the story of Cara Faye Quetzal and Nathaniel James Zhang.