Chapter 10: Ikaw
Pagkaligo ko ay nagmadali ako sa pag-aayos. 10 minutes na lang at late na ako para sa first period. Unlike last week, hindi ako pwedeng pumasok ng mukhang bagong gising. Ipapakilala daw kasi ang mga kalahok sa Mr. and Ms. Intrams during first subject sa stage. Magsisimula na rin ang botohan para sa people's choice award kung sino ang unang makakaubos ng tickets na piso ang isa.
It's an open house. Pwedeng pumasok ang mga outsiders dahil simula na ng week long ng pagtatatag ng school namin.
I'm confident that I will win in just 10 seconds. Pupunta kase si Liv, Si ate joan at si Mama. Sa kanila pa lang ay sure na akong ubos ang ticket ko.
500 lang ang tickets per candidate. Lahat ng mapapanalunan ay mapupunta sa fund ng school. Kung tutuusin, kahit si mama lang ang pumunta ay ubos agad ang ticket ko.
Nang makarating ako sa school ay saktong tinatawag na ang mga candidates sa back stage. I have to run now!
And I did, I ran wearing my 7 inch Chanel pumps and it is not easy!
Kumpulan na ang mga tao sa harap ng stage. I squeezed my way in. Nang makita ako ng MC ay pinatagal pa ng kaunti hanggang sa makarating ako sa gilid ng stage. When I got there, I mouthed "Thanks" sa MC saka dumiretso sa likod.
Nakapila na ang mga candidates duon, wearing their number. Nagpanic ako bigla, nasaan yung sa akin?
Just when I was about to ask for help, kinalabit ako ni Patsi.
"Huy! Bakit ngayon ka lang gaga ka!" sabi niya, hugging me tight. Ramdam kong kabado rin siya para sa akin.
She eyed my look, mula make up hanggang sapatos. At saka nagthumbs up. I felt relieved.
"Eto, number 5 ka, Kayo ni Tristan." sabi niya saka inilagay ang number sa gilid ng aking short.
"Get em girl!" bumeso siya saka lumabas na dahil ipinakilala na ang unang kalahok.
Pagkaalis niya ay agad akong ginapang ng kaba. Hindi ako bago sa ganitong mga contest pero kung kabahan ako ay parang unang beses ko pa lang na sasabak.
My eyes searched for Tristan. He was already looking at me. He doesn't look nervous at all. He smiled at me as he mouthed "Fighting!"
Tinawag na ang Mr. and Ms. Intrams candidate number 2. Umalingawngaw ang hiyawan ng mga tao. Mas malakas ang hiyawan ngayon kaysa sa nauna.
I rubbed my hands together to ease my nervousness, kahit papaano ay nabawasan naman na iyon.
Halos huminto ang puso ko nuong tinawag na ang nasa harap ko. My eyes followed her as she confidently walked down the stage, her curly hair bouncing on each step.
BINABASA MO ANG
Cannot Be
Dla nastolatkówSa mundo ng matematika, kapag sinabing cannot be, borrow one lang ang sagot. Sa totoong buhay kapag sinabing cannot be, mukhang mas kumplikado ang lahat. Tells the story of Cara Faye Quetzal and Nathaniel James Zhang.