Chapter 9: Hey, Mr. Just Someone
Halos lahat ng estudyanteng nadadaanan ko ay napapatingin sa akin and I'm fully aware. That is because I decided to wear an over-sized white shirt and baggy sweatpants. I didn't even bother to brush my hair pagkagising at saka ko ipinusod. Besides my outfit na feeling ko ay okay lang naman, sa tingin ko ay nakatingin sila sa buhok ko at sa mukha kong natural lang ngayon, walang make-up, walang arte.
Ganun din ang eksena sa classroom. Everyone's eyes were fixed on me. Iginala ko ang mata ko sa buong kwarto pero wala pa si Patsi. I went to my seat. Is it a crime to not dress up for school?
I fished out my phone saka nagscroll sa instagram because we still have 18 minutes before the next subject.
Maya-maya pa ay pumasok na rin si Patsi. Nakangiti niya pang inikot ang mata sa buong kwarto until her eyes landed on me. Mabilis itong nagfade. I rolled my eyes at her.
Dali-dali siyang tumabi sa akin.
"What th—"
I cut her off. "Don't even ask."
"Nanibago lang ako. Bihira kita makitang walang make up." Sabi niya habang nilalapag ang bag niya sa upuan.
"Do I look ugly now?" tanong ko. Actually, I'm nervous to hear her answer.
"Hindi ah! Nakakabanibago nga." Sabi niya saka nagkalkal ng kung ano sa bag niya.
"Yun naman pala eh." Sagot ko.
"Pero ayusin muna natin ang kilay mo. Kilay is life bes!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Kung ano-ano napupulot mo ha."
"Kapag maayos ang kilay, maayos ang buhay! Kaya Let's fix your brows!" sabi niya, almost too enthusiastic.
"You're becoming more and more like Liv." Sabi ko saka humarap sa kanya.
Inilabas niya ang eyebrow pencil niyang ilang tasa nalang ay mauubos na. Napangisi ako. Hindi niya talaga sinusukuan hangga't pwede pa.
Nagvibrate ang cellphone ko kaya pinahinto ko muna sandal si Patsi.
"Bakit?" tanong niya, eye-ing my phone.
1:37 pm, late na ng 7 minutes ang prof namin.
"Wait lang." sabi ko saka binuksan ang message.
+6393937368**
"It's me. Yung humingi ng number mo sa bar?"
Kumunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Cannot Be
Teen FictionSa mundo ng matematika, kapag sinabing cannot be, borrow one lang ang sagot. Sa totoong buhay kapag sinabing cannot be, mukhang mas kumplikado ang lahat. Tells the story of Cara Faye Quetzal and Nathaniel James Zhang.