Chapter 7

296 20 6
                                    

Chapter 7: Shattered

Kahit na ilang beses kong pigilan ang sarili ko ay palagi akong nabibigo. I let out another yawn. Sobrang boring talaga ng klase ni Mr. Buenaventura. Kahit na anong pilit kong makinig ay palagi na lang akong nakakatulog sa kalagitnaan ng diskusyon. Mabuti na lang vacant ako sa susunod na 1 hour.

My mind wandered on its own. It wandered back on August. Nagkagat ako ng labi. I don't want to remember.

Hindi ko namalayan ang oras. After a while of blankly staring at the wall, nag-ring na rin ang bell. Mabilis na nagtayuan ang lahat para ayusin ang kani-kanyang gamit. Mr. Buenavetura who was in the middle of discussing stopped immediately saka lumabas. When I was on high school, madalas mag-overtime ang mga teachers, now they don't even care if you flunk.

Iniayos ko rin ang gamit ko pagkatapos ay hinanap si Patsi. She's arranging her things as well.

"Patsi! Saan tayo?" tanong ko. Madalas kasi kaming lumabas ni Patsi dahil isang tawid lang ang mall mula sa school.

"Kain muna tayo. Nagugutom na 'ko eh." sabi niya saka ipinulupot ang kamay sa akin.

Magkasing taas lang kami ni Patsi. Medyo morena siya at medyo umaalon ang buhok na umaabot sa gitna ng likod niya. She's also thick. Malaki ang dibdib at pwetan unlike me na petite at medyo flat. Gustong-gusto ko ang hubog nuong kaniya.

"Alam mo ba usap-usapan pa rin kayo ni Tristan! Si Chelsea Javier? Yung kaklase nating patay na patay kay Tristan? Grabe ang mga patama sayo!" sabi niya.

Chelsea Javier, that bitch. "The Bitch"

"Hayaan mo 'yun. Wala namang dapat ikaselos dahil wala namang kakaiba sa amin ni Tristan, friends lang talaga." sagot ko.

Yes, Tristan is my type pero kung babasahin ko ang kilos n'ya, wala naman talaga siyang gusto sa akin. Isa pa, ayokong lagyan ng malisya ang pagiging mabuting tao niya.

"Sus! Anong wala? Eh parang ikaw lang ang nakikita nun' pag magkakasama tayo."

Pumasok na kami sa loob ng canteen saka umorder. As usual, siksikan at gyera na naman sa loob. Pagpasok palang ay ramdam na ang nakulob na hangin.

"Hindi ah, iba ang gusto nun." sabi ko.

Hindi ko alam kung ako lang nakakapansin pero sa tingin ko hindi ako ang pinupunta niya sa classroom namin kapag sinusundo niya ako. Parang ginagawa niya lang akong excuse para makapunta sa building namin.

Nakahanap kami ng bakanteng upuan kahit na madaming tao. Siya nalang daw ang oorder at bantayan ko ang pwesto namin.

"Cara!" kahit na maingay ay nakilala ko agad ang pinanggalingan ng boses.

"Uy!" sabi ko habang nakangiti.

Tristan, on his usual statement shirt and knee length shorts jogged his way to me.

"Hinanap kita sa room mo pero umalis ka na daw and I thought you'd be here so.." sabi niya habang inilalapag ang ilang libro sa lamesa.

"Di ka naman nagtext na sasabay ka. Akala ko may biglaan kang lakad, diba nga 2 hours ang vacant mo?" sabi ko.

Tristan's schedule is the best! Tanghali na ang unang klase niya tapos ang susunod ay hapon na. Atleast he doesn't have to wake up before pang tumilaok ang manok.

Umiling lang siya saka naglabas ng sandwiches na hinanda pa daw mismo ng mommy niya.

"Well look who's here.." sabi ni Patsi, nanunuya. Ipinatong niya ang dalang pagkain sa lamesa tapos tumabi sa akin.

Cannot BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon