SIMULA

159 10 0
                                    

A/N: Pardon me for the typographical errors. May ilang bad words din ang kwentong ito. Kaya kung sensitive ka, 'wag ka nang magpatuloy sa pagbasa. Hindi din ito purong drama, medyo comedy. Kaya kung gusto mo ng kwentong uubos ng luha mo ay huwag ito ang basahin mo.

Simula

"Audrey may matres ka ba?" ani Nicole.

"Alangan namang may itlog ako" sabi ko ng naka poker face.

"Sigurado ka bang babae ka?" tanong ni Alex.

"Ano bang klaseng mga tanong yan ha? At ikaw Alex, aba kung tanungin mo ako niyan, akala mo'y hindi ka titibo-tibo" sambit ko at tinitigan silang dalawa ng matalim.

"Aba kahit naman totomboy tomboy ako ay nakakaramdam pa rin ako ng kilig sa mga lalaki" pagtatanggol ni Alex sa sarili niya.

"Tama. Boyish lang siya" dagdag ni Nicole. "Girl, baka may napupusuan ka na sa aming dalawa? Spill it out"

Literal kong nagawa yung spill it out at naibuga ko iyong iniinom kong softdrinks. Wth? Hindi ako tomboy.

"Bahala kayo. Isipin niyo ang gusto ninyong isipin" buti na lang at ubos ko na ang pagkain ko kaya't tumayo na ako at iniwan silang dalawa sa cafeteria.

Nagbalik ako sa classroom at pinili na lamang na magreview para sa exam mamaya sa Mathematics kahit na ilang beses ko na itong inaral sa bahay. Trigo sucks eh.

Kinuha ko ang libro at notes ko doon sa subject na 'yon. Habang hinahanap ko yung pahina na dapat kong basahin ay may nalaglag mula sa libro. Kulay pink na envelope at may mga stickers na puso sa gilid.

"Anong kalokohan na naman ito?" bulong ko sa sarili. Paniguradong pakana na naman ito ni Alex at Nicole. Ganoon ba silang kauhaw para makita akong kinikilig? Napapangisi na lang ako sa kalokohan nilang dalawa. Gayunpaman ay pinili ko pa ring buksan iyong envelope.

To Audrey Castillo:

I admire you since Grade 7. I love your flaws and the way you face your fears. I love everything about you. I chose to keep this feelings for you as a secret. Pero ngayon nagkaroon na ako ng lakas ng loob. Hihintayin kita mamayang 3 pm sa labas ng gymnasium. Kahit kailan ay hindi kita nakitang nagkainteres sa lalaki pero sisiguraduhin kong this time, maangkin na kita. Kung hindi ka man sumipot ako mismo ang kukuha sayo.

-Yours Truly ❤

Luminga-linga ako sa classroom para tignan kung nakabalik na ang dalawa ngunit si Deon lang ang nakita ko. Yung classmate naming mailap. Nakita niyang nakatingin ako sa kanya kaya nag-iwas ako ng tingin at nagkibit-balikat na lang.

Brutal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon