[Darn You]
Napahawak ako sa aking ulo nang imulat ko ang aking mga mata. Nakararamdam pa ako ng kaunting sakit sa ulo. Naupo ako sa sapin na kinahihigaan ko kanina. Tumambad sa akin ang hindi gaanong maliwanag na ilaw sa kwarto ko. Sa gilid ko ay may bimpong nakababad sa palangganang may tubig.
Ang dahilan kung bakit ako napunta dito sa kwarto ay hindi ko alam. Ang mukha ni Deon ang huling bumalandra sa paningin ko bago pa ito tuluyang magdilim.
"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo Audrey" sabi ng lalaking puro piercings sa isang malambing at mapang asar na tono. Hinawi niya ang aking buhok na tumatabon sa aking mukha dahil sa hangin. Hinaplos niya ang aking pisngi.
Gusto ko siyang bigwasan. Ngunit wala akong lakas. Gusto ko nang pumikit. Hilong hilo na ako. Ni hindi mautusan ng isip ko ang aking katawan na gumalaw.
"Anong gagawin natin dyan pre?" tanong ng isa.
Nakatitig lamang ako sa lalaking puro piercings. Hindi ko alam ang kanyang pangalan.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Gusto ko siyang tadyakan ngunit halos mapako na ang paa ko sa lupa. Wala talaga akong lakas.
"Not bad" ngumisi siya at hinawakan ang laylayan ng aking palda. May pumigil sa kanyang kamay.
Huling bumalandra sa akin ang mukha ni Deon bago tuluyang magdilim ang aking paningin.
Natigil ako sa pagbabalik-tanaw nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Ara sa aking noo.
"May sinat ka pa" bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Inabutan niya ako ng tubig at gamot. "Ate, iyong kaibigan mo. Yung Deon ba?" tumango ako.
"Iyon yung nasa video hindi ba? Siya ang nagdala sayo rito. Saka may kinuha siya sa bag mong mga test papers kanina, siya na rin daw ang magsasabi sa manager ninyo kung bakit hindi ka nakapasok sa trabaho. Kilala na naman daw kasi siya doon"
Napayuko ako.
"Sige ate. Punta ka na lang sa kusina mamaya-maya para makapaghapunan na" ani Ara saka iniwan na ako sa kwarto.
Tumunog ang cellphone kong may lamat na. Bumungad sa akin ang text mula sa isang hindi kilalang numero.
09XXXXXXXXX:
BINABASA MO ANG
Brutal Love
Genç KurguAudrey Castillo is a resilient person. She is a tough fighter. Naniniwala siyang kaya niyang mabuhay ng walang tulong mula sa kahit sino mang lalaki. She is the top 2 student of Ashton High. Palagi na lamang siyang pumapangalawa sa kahit anong bagay...