KABANATA 5: Sparks

84 4 4
                                    

[Sparks]

"Bye Audrey!" Nicole kissed my cheeks.

Nauna na silang umuwi sa akin. Nautusan na naman ako ng adviser namin ng tambak na paper works. Mamaya-maya na naman ako makakauwi.

"Riri.."

Tiningala ko si Deon. Bakit nandito pa 'to?

"Bakit nandito ka pa?"

"Binabantayan pa kita" aniya.

Nagkibit-balikat na lamang ako. Kung paalisin ko man siya ay hindi rin 'yan susunod. Parang kabute talaga ang lalaking 'to. Sulpot ng sulpot kahit saan. Parang may body guard nga ako these days. Dahil sa nangyari noong kamakalawa, ayan palagi na lang nakabantay si Deon. Kaya ko naman ang sarili ko.

Tinitigan ko ang ginagawa ko. Halos wala pang nababawas sa tambak na papel na nasa harapan ko. Nawiwindang ako sa amoy ng pabango ni Deon. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa likuran ko. Alam kong tinititigan niya ako sa mga oras na 'to.

Poker face.

Lalo lang tatagal ang gawain kapag nandyan siya, malapit sa akin.

Tiningala ko siya sa may likuran ko. My nose touched his lips. Nakayuko pala siya habang pinagmamasdan ako. May katangkaran nga pala ang isang 'to. Bwisit. Napayuko akong muli at bumalik sa ginagawa.

I lost my concentration. Argh. Nasa gilid ko naman siya ngayon. Kita ko sa aking peripheral vision na nakapalumbaba siya at pinagmamasdan ako.

Nilingon ko siya at tinignan ng masama.

"Umalis ka na nga" inusod ko siya palayo sa akin.

"Don't wanna" aniya.

"Hindi ako makapag concentrate!" i protested.

"Because of me?" he smirked.

Really huh.

"Sht Audrey" pag-angal niya ng pitikin ko ang bibig niyang nakangisi.

Tinulak kong muli ang katawan niya palayo sa akin. "Alis na!"

Sumunod naman siya. I exhaled completely. Mabuti naman, nakinig din.

"Achoo!" kinamot ko ang ilong ko nang mabahing. Kasalanan 'to ng lips ni Deon. Naipasa ng labi niya ang virus sa ilong ko.

I shrugged my head because of the thoughts.

Isinubsob ko ang pagmumukha ko sa desk. I suppose to finish this works easily. Kaso ano ba naman 'to. Bwisit na Deon. He's always giving me a hard time. My worst enemy of all time. I sighed.

Padabog kong iniligpit ang makapal na mga papel. Nagpaiwan ako dito sa classroom dahil relaxing ang hangin dito. Nasa 3rd floor ng bldg. ang room namin kaya masarap ang simoy ng hangin. Inaasahan ko pa namang hindi ako maiistress dahil nakakarelax dito. Kaso may masamang hangin na ayaw talaga akong lubayan.

Napatingin ako sa salaming bintana sa may gilid ko nang may kumatok dito. Bumalandra na naman sa akin ang dila ni Deon na nakalaylay. Uso pala talaga sa kanya ang pagbelat ano? Akala ko pa naman ay umuwi na. Walang balak na lubayan ako?

"Umuwi ka na! Stop doing stupid things!" sigaw ko. Para naman siyang kidlat, nawala nang agad sa paningin ko. As usual.

Paglabas ko ng classroom. Wala na nga siya. Mabuti naman.

As I was walking on the corridor ay may naramdaman akong mga yapak na nakasunod sa akin. Nilingon ko kung may tao sa likuran ko. Pero sa tuwing ginagawa ko 'yon ay wala naman akong nadadatnan. Malaman-laman ko lang kung sino itong mga nantitrip sa akin. Hindi lang sapak ang aabutin nila.

Brutal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon