Weirdo
Pinasadahan muna ng tingin ni Deon si Benneth bago ako buhatin palabas ng infirmary.
Kumunot ang noo ko dahil sa medyo matalim niyang titig.
"Ibaba mo na ako. Kaya ko na namang maglakad Deon" paano ba nama'y medyo malaki-laki ang Ashton High at bubuhatin niya ako hanggang sa labas.
Hindi siya nagsalita at diretso lang ang tingin sa hallway. Medyo naiilang ako dahil may mga estudyante kaming nakakasalubong. Anong aasahan, breaktime ngayon.
"Deon ibaba mo na ako" muli kong sabi. Tinataasan na ako ng balahibo dahil sa titig ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Hindi ko rin alam at anong malay ko kung may nagvivideo na naman sa sitwasyong ito ngayon. Ibang issue na naman ang mabubuo.
Hindi niya ulit ako pinansin. Hinayaan ko na lang. Wala pa rin akong lakas na makipagtalo at magpumiglas.
Pumara siya ng taxi at isinakay ako sa loob pagkatapos ay sumakay na rin siya. Pero wala akong pambayad, ano ba naman itong lalaking 'to. Bakit hindi na lang tayo mag-jeep!?
I poked him at nilingon niya ako. Malamig niya akong tinitigan at nakataas ang mga kilay.
"Ah... ano kasi" inilapit ko ang mukha ko sa kanyang tainga. "bakit hindi na lang tayo nag-jeep? Wala akong pambayad rito!" bulong ko.
"Ako nang bahala"
"Okay. Babayaran na lang kita pagdating sa bahay"
Tumango lang siya.
"Saka ano... nagpaalam ka ba kina Mrs. Buenaventura? Kina Sir Cruz? Ha?"
Muli siyang tumango.
"Hays. Ano ba yan. May test tayo ngayon hindi ba?" napakamot na lamang ako ng ulo.
Tinanguan niya ako.
"Bakit hindi ka na lang kasi nag-stay sa school at ihatid na lang ako sa sakayan. Hindi ka ba nag-aalala sa grades mo? Long test din yun sa Math"
Tumango siya ulit.
"Almost up to ilang items nga pala 'yon?" tanong ko.
Tango lang uli ang isinagot niya kahit na hindi iyon answerable by YES or NO.
Na-pipi ka bang ulit Deon!? Hihilahin ko 'yang dila mo.
Iyon na ang huling tanong na itinanong ko sa kanya. Bwisit na bwisit ako sa katahimikang mayroon ngayon. Parang hindi ako sanay. Mas sanay akong inaasar niya ako at babatukan o sasapakin ko siya dahil napipikon na ako sa kalokohan niya.
Nababaliw na ata ako.
Pagdating namin sa tapat ng bahay ay saka lang ako muling nagsalita.
"Pasok ka muna" sabi ko.
Umiling siya. Hinayaan ko na lang. Mukhang wala rin naman atang balak na magsalita ang isang 'to.
"Sige. Huwag kang aalis diyan. Kukunin ko lang yung bayad sa taxi"
Pumasok ako sa bahay para kunin ang pambayad.
"Oh anak? Cut ba ang klase niyo?" usisa ni mama sa akin pagkapasok na pagkapasok ko.
"Opo 'ma" pagsisinungaling ko.
Pinasadahan niya ng tingin ang aking katawan. Naramdaman ko ang mabilis na pagkabog ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Brutal Love
Teen FictionAudrey Castillo is a resilient person. She is a tough fighter. Naniniwala siyang kaya niyang mabuhay ng walang tulong mula sa kahit sino mang lalaki. She is the top 2 student of Ashton High. Palagi na lamang siyang pumapangalawa sa kahit anong bagay...