[Betrayal]
"Alam mo yung sikat sila tapos nagawa akong imbitahin ng lead vocalist nila. Ang saya ko talaga" aniya.
Napangiti ako.
"I love Ivo very much. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko Audrey"
"L-LOVE?" nagtataka kong tanong.
"Keme lang. Ibig kong sabihin is I like him. Basta huwag mong kalimutan. 3 pm sharp. Sa Lolita Cafe ha. Bye na"
"Bye Nicole"
Ibinaba ko na ang linya. Kanina pa 'yang si Nicole. Hindi matapos sa pagpapahayag ng damdamin tungkol sa meet up nila ng Inner Punk. Pero hindi ko maiwasang ngumiti sa tuwing tatawag siya. Natutuwa akong masaya ang kaibigan ko kahit na hindi ako relate sa kung anong nadarama niya.
"Master Audreeeey... Please. Isuot mo ito"
Balik ulit sa pamimilit ang Audrey Warriors pagkatapos na pagkatapos akong tawagan ni Nicole. Pinipilit ba naman akong isuot iyong maid outfit na labas na labas ang balikat kung isusuot. Makikitaan ka din ng dibdib kapag isinuot mo 'yon.
Hindi rin naman 'to cosplay cafe. At higit sa lahat...
Hindi ako living hentai.
"Kapag hindi kayo tumigil ay isa-isa kong pagkakasyahin ang katawan niyo doon sa oven!"
Natahimik sila. Alam nilang 'pag nagsalita ako ay gagawin ko talaga. Even if it's impossible lol.
Nandito ako sa cafe ngayon, hindi para magtrabaho. Alas dos na ng tanghali. Bago pa ang oras ng meet up, nagtungo na agad ako rito. Nakapagpaalam na naman na ako kay Mrs. Lana na hindi ako papasok ngayon. Humingi rin ako ng pabor na ituring nila akong customer mamaya.
Mahirap na at baka mapansin ni Nicole na dito ako nagtatrabaho. Ang masaklap lang, nadatnan ko itong limang 'to dito. Kay iingay pa naman. Mabuti at nakukuha naman sa pananakot. Kung hindi, lagot talaga sila sa akin kapag nadagdagan pa ang mangungulit sa akin dito sa trabaho.
Nang mag 2:30, nilubayan na ako ng lima at lumayas na. Maglalaro pa daw kamo sila ng Leauge Of Legends sa comshop doon sa kanto. Jusko 'tong mga batang 'to.
Nagmuni-muni na lang muna ako sa loob ng cafe. Mag aalas tres na. Nababagot ako dahil wala rin namang customers ngayon dito. Nagpa-reserve daw kasi si Ivo ngayong araw na 'to. Nag-effort pang magbayad ng mas malaki. Para lang sa meet up na 'to. Is he hitting on my friend? Ay ewan, wala naman akong alam sa mga ganyan.
Dahil sa pagkabored ay nagpaalam muna akong papasok sa dressing room. May dvd doon at maliit na speakers. Dala ko ang compact disc na ibinigay ni Nicole sa amin ni Alex kahapon. Nacurious ako sa boses ng kinababaliwan niyang banda kaya isinalang ko ang cd doon.
Sa kalagitnaan ng kanta, napansin kong isa sa mga kumakanta ay pamilyar talaga ang boses. Hindi ko lang mawari kung sino.
Habang nagpapatugtog ay kinatok ako ni Elise.
"Audrey labas na. Palapit na yung mga kaibigan mo dali" aniya.
Agad naman akong lumabas at nagmadaling maupo sa upuan.
Pumasok sina Nicole at Alex sa cafe. Nakasuot si Nicole ng long sleeve dress na checkered. Nakatali ang kanyang buhok at nasa gilid. Naka makeup din siya. Korean makeup. Straight brows at gradient lips. Yun lang ang naaalala ko sa kung anong tutorial na pinagtututuro niya sa akin. Si Alex naman ay nakapaldang mahaba. Pencil skirt. Hindi mo mawari kung saan ba talaga ang tungo. Nakapusod ang buhok at suot pa rin ang salamin sa mata.
Pagtingin ko sa orasan ay 2:50 na.
"Ghaad Audrey" malaki ang ngiti ni Nicole. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ilalim ng mesa.
BINABASA MO ANG
Brutal Love
Teen FictionAudrey Castillo is a resilient person. She is a tough fighter. Naniniwala siyang kaya niyang mabuhay ng walang tulong mula sa kahit sino mang lalaki. She is the top 2 student of Ashton High. Palagi na lamang siyang pumapangalawa sa kahit anong bagay...