[Napkin]
"Hindi niyo po kailangang madisappoint. Alam ko pong may responsibilidad kami ni Audrey sa mga nangyari kahapon. Aware akong kilala ako ng ilang estudyante mula sa ibang schools kaya malaking damage ang magagawa ng eskandalo kahapon para sa Ashton High. But aren't we being cyber bullied? Masyadong personal po iyong Love Quarrel namin ni Audrey para videohan at ipost pa sa facebook. Kaya kung may dapat na pagsabihan dito, pagsabihan ninyo po ang taong nagpakalat non" napanganga na lang ako sa mahaba-habang speech ni Deon.
Tumango-tango si Mr. Cruz at inilagay ang dalawang kamay sa bewang. Hinipan niya ang kanyang pito.
"Magsitahimik ang lahat!" malakas niyang sigaw. "Ituro ninyo sa akin kung sino ang nagpost ng video. Kung hindi ay pare-parehong sa Disciplinary Office ang bagsak ninyo!" dagdag niya.
Natahimik ang lahat. Halos lahat ng kanilang paningin ay napako kay Benneth Morales. A student from Grade 9 Class F. Kilala ko siya. Suki kasi 'yan sa Disciplinary Office.
Sabay-sabay nilang itinuro si Benneth. Napairap na lang siya sa kawalan na parang wala lang kung damputin siya sa D.O. Sabagay, sanay na nga naman siya.
"Ms. Morales? Again, sumama ka sa akin" ani Mr. Cruz.
"Okay, whatever" dinig kong bulong ni Benneth.
Nagsi alisan na din ang estudyante doon sa locker room. Kami na lang ni Deon ang naroon.
Isinarado ko ang pinto.
"What about the girlfriend thingy Deon? It sucks" agad ko siyang kinonpronta dahil panigurado akong mas lalo akong pag-uusapan ng dahil sa kalokohan niya. "Ni hindi ko talaga mapagtanto kung bakit palaging ikaw ang nasa unahan ko. Palagi akong pumapangalawa sayo. Eh marunong ka naman bang mag-isip?" dagdag ko.
Magkaklase kasi kami simula pa noong Grade 7. Pareho kaming nasa Special Science Class at block section iyon. Palagi na lang akong pumapangalawa sa kanya. Kahit pa todo sunog ako ng kilay. Dahil kumpara sa kanya, halos wala siyang kaeffort-effort. Ni kailanman ay hindi ko siya nakitang nagreview o napressure man lang.
"Because your pride ate you" malamig niya akong tinitigan.
Naestatwa ako sa sinabi niya. Wtf.
"I am doing this for us. Bakit, may naisip ka na bang magandang paliwanag para sa mga teachers. C'mon. Spill it out at agad akong pupunta sa Principal's Office para sabihing hindi talaga kita girlfriend at basta mo na lang na isinampal sa akin iyong sobre sa video"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napanganga ako ng ilang segundo dahil walang salita ang gustong lumabas mula sa bibig ko.
Kinuyom ko ang kamao ko. Bakit wala akong maipambara sa kanya sa tuwing nag-uusap kami? Nakakabanas.
"Okay" mariin kong sambit.
"Uh-huh?" itinaas niya ang mga kilay niya at pinag-ekis ang braso. Para bang nagtatanong kung ano ang ibig-kong sabihin.
"S-sasakyan ko na lang ang nangyari" pinagsalubong ko ang aking mga kilay habang nagsasalita. Mabigat sa kalooban ko ang sinabi ko. Tss.
"Okay then. We'll do what a normal couple does in front of them" malamig niyang sabi saka lumabas ng locker room.
Naiwan akong naka-estatwa. Sinuntok ko ang pader sa sobrang pagkairita. "Argh. Ano bang kamalasan 'to! Bwisit"
Nagtungo ako sa comfort room para magbihis ng PE uniform. Saktong pagpasok ko doon ay naabutan ko sina Nicole at Alex.
"Audrey Oh my God!" napaawang ang bibig ni Nicole saka niya ito tinakpan. Exaggerated as usual.
"Hoy Nicole ang OA mo" ani Alex.
BINABASA MO ANG
Brutal Love
Teen FictionAudrey Castillo is a resilient person. She is a tough fighter. Naniniwala siyang kaya niyang mabuhay ng walang tulong mula sa kahit sino mang lalaki. She is the top 2 student of Ashton High. Palagi na lamang siyang pumapangalawa sa kahit anong bagay...