KABANATA 13: For Me

28 2 0
                                    

For Me

Halos buong magdamag ata akong gising at windang dahil sa sinabi ni Deon.

I can't resist you

Bakit? Kaya ba ang weirdo niyang kumilos kahapon ay dahil sa iniiwasan niya talaga ako? Anong dahilan? Dahil sa nangyari sa akin sa natatorium?

Just then I remembered...

"I'm sorry... This is because of me. Sorry"

Aniya noong naabutan niya ako sa natatorium. Alam niyang involved siya sa nangyari at pakiramdam ko'y alam niya kung sino ang may gawa sa akin noon.

Pieces of puzzle were already fitted in my mind.

Kaya ba niya ako nilalayuan?

I shrugged my head as I walk on the corridor.

Ang tsismis tungkol sa kumalat kong video ay medyo humupa na. Ito ang advantage sa madaling paglimot ng mga tao. Medyo lumuwag ang mga bagabag sa dibdib ko. Mabuti naman kung ganoon.

Higit sa lahat, hinihiling kong humupa na rin ang galit sa akin ng babaeng katagpo ko kahapon sa natatorium.

Muling umulit at nag-echo ang boses niya sa aking isipan. Her voice sounds familiar. Hindi ko lang mapagtanto kung saan ko narinig, kung bakit ito pamilyar. Somehow, it pains me a lot. To think about the possibility na kilala ko o baka malapit sa akin ang gumawa noon. Pero hindi naman sarado ang puso kong tanggapin siya, o makinig sa rason kung bakit niya iyon nagawa. Kung sakaling malapit nga siya sa akin.

"The next third week will be the start of our yearly Sports Fest. Alam kong marami na sa sa inyong nakapaghanda na sa kanya-kanyang paligsahan na sasalihan. Pero marami pang pahabol na pakulo ang school for a more exciting Sports Fest this year! I will let you talk about this class. The president of the class will lead the discussion tutal ay napag-meetingan na rin ito ng mga class presidents. So please, take your time para dito. May meeting kasi ang MAPEH teachers ngayon, para nga sa Sports Fest. So Liamzon, start the discussion. Bye class" paliwanag ng aming MAPEH teacher.

Pag-alis ni ma'am ay nagtungo si Deon sa harapan at nagsimulang magpaliwanag.

"Every title has a special award.. Most especially is the obstacle race" aniya.

"Anu-ano yung awards!?"

"Para sa 200 meter sprint, meron kang eat all you can sa cafeteria para sa isang buong linggo. At libre iyon"

"Shet!"

"Wow. Pupuruhan ko yung choco-strawberry cake kung sakali"

Poker face.

Iba't-ibang eksaharadong reaksyon na naman ang mayroon sa mga kaklase ko.

"Ilan ang pwedeng sumali kada section?" tanong ng isa kong kaklase.

"Hanggang tatlo lang, sa babae at lalaki"

"Ay"

"Nubayan!"

"Hmmm"

Iba't-ibang dismayadong reaksyon naman ang mayroon sila ngayon, sa isang eksaharadong paraan.

"Sa 300 meter sprint naman ay magiging exempted ka sa 3rd periodical exam"

Shit. Sasali ako dito ipapanalo ko 'to. I will do everything to be on top. To be on top of Deon.

"Sa 500 meter sprint ay bibigyan ka ng art materials worth 3,000 pesos"

Paniguradong pagkakaguluhan ito ng mga estudyante sa section SPA. Well, the visual artists are there at namamangha talaga ako sa kanila. Every single art material ay halos ituring nilang baby. Well, that's great ..ang cute lang at maganda naman kasi ang nagiging bunga kapag humahawak sila ng isang art material.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Brutal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon