KABANATA 6: Just A Perv

61 4 1
                                    

[Just A Perv]

Hinila niya ang braso ko. Hinila niya ako palapit sa kanya. Hinila niya ako palapit sa dibdib niya. It feels strange. May dumamping malambot sa labi ko. Gumagalaw. He's kissing me. Kissing me passionately. But I can't.... I can't move. What is happening. He's biting my lip. Pero ano, bakit hindi pa rin ako gumagalaw?

Ilang sigundo nang naramdaman kong tumigil siya. Tumigil siya sa paghalik.

Dahil bumukas ang pinto.

Napabalikwas ako sa kinalalagyan. Halos lumuwa ang mga mata ko. Pero si Deon, kalmado pa rin. How come?

Napatakip ng bibig si Elise. "Oh my God"

Mabilis akong tumayo at tinakpan ang bibig niya. Medyo napalakas kasi ang boses.

Nagpalipat-lipat naman ang tingin niya sa aming dalawa ni Deon. Anong sasabihin ko? Binabalot ako ng hiya. Mahuli ka ba naman sa ganoong sitwasyon... at sa working area pa. We're just like the other teens na hindi makontrol ang nararamdaman. Mapupusok.

Gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader. Bakit nanigas ako kanina? Bakit hindi ko siya tinulak? Bakit hindi ko siya basta na lang binigwasan? This is insane Audrey. Bakit hindi ka pumalag?

"A-audrey, dalian mo. Hinahanap ka ng limang customers sa table 2" nauutal-utal pa siya at halos naiilang na tumingin sa akin. Tumalikod na siyang agad at umalis.

Sumunod ako kay Elise. Pagkalabas ko ng working area ay halos malaglag ang panga ng Audrey Warriors. Hindi ko na naisip pang kailangan kong magtago. Mas gugustuhin ko pang kulitin ako ng mga 'to kaysa magtagal pang kasama ni Deon. It's damn awkward.

"Is this real? IS THIS REAL!?" nanlalaki ang mga mata ni Red habang sinasampal-sampal ang sarili.

Pinitik naman ni Green ang noo niya. "Naniniwala ka na bang totoo ha?"

Tumango-tango lang si Red.

"Why so cutiie masteeeer" sabi ng dalawa sa kanila na hindi ko kilala. I thought they're drooling. The ef?

"Waaaah. Pwede ba kitang ibulsa masteeer?" lumapit sa akin si Blue at hinawakan ang mga kamay ko.

"Hala, master. Nakagat ka ng ipis!? Nasaan na yung ipis na yon? Yari talaga siya sa akin!" lumapit sa akin si Red at hinawakan ang kabila kong pisngi.

He is referring to the kiss mark. Napalakas pa ang boses niya. Nagsulyapan ang ibang customers sa amin. Ano bang meron sa araw na 'to at puro kahihiyan ang dinadanas ko. I even forgotten about the kiss mark at gulo-gulo na ang makeup ko.

"Aray Red! Masakit huwag mong hawakan" i acted. Kahit di naman talaga masakit. Tinakpan ko ang pisngi ko. Napatingin naman ako kay Elise na ngayo'y nakatitig sa akin ng nakakailang. Hfff.

"Sorry master. Sorryyyy" he sniffed.

"Okay lang"

"By the way master... I am Marko, eto naman si Marky" pagpapakilala ng dalawa pang kasapi ng Audrey Warriors.

Tae. Naiilang talaga akong banggitin yung Audrey Warriors.

"Magkapatid po kami" dagdag nila.

"Masteeeer. Can we take a picture with you!? Pleaase" nagpuppy eyes si Red.

Picture? Ng nakaganitong outfit?

Umiling-iling ako.

"Sige na master. Pleaseeee" pagpupumilit niya.

Pero ayoko talaga.

Nilapitan ako ni Elise at bumulong "Remember Audrey, senpai natin sila"

Anong gagawin ko? Nakakahiya. Paano kung ipost pa nila sa facebook? Magbabago ang aura ko sa school nito. Mahihirapan pang lalo ako sa pagtatrabaho. What about Nicole? Siguradong kapag nalaman niya, mas lalong dadami ang mangungulit sa akin dito.

Brutal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon