[Embarassed]
DEON's POV:
"Sssh"
Mukhang mabubuko pa ata ako nang dahil sa asong nakasunod sa akin. Bakit ko nga ba sinusundan si Riri? Weird me.
I was about to go to 7/11 nang makita ko siyang nagmamadali. Kung ano man ang meron at kung saan siya pupunta. I know that it's none of my business. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya sinusundan. I just felt like doing it.
Walang pasok ngayon, alam kong hindi niya hilig ang gumala. Saka gabi na. Saan naman pupunta ang isang 'to?
Hanggang sa pagpasok niya ng jeep ay sinundan ko siya. Curiosity will fckin' kill me. Malayo ang pupuntahan niya ayon sa jeep na kanyang sinakyan.
"Eek eek"
Seriously. What's wrong with this girl? Kapag hindi tumigil itong babaeng katabi ko sa kung anong tunog na nililikha niya, malalaman ni Riri na kasama niya pala ako rito sa jeep. Nag-effort pa akong halos ibalot ang hood sa mukha ko.
"Eek"
What the actual shit? Kinukuryente ba 'to? Ang gaslaw pa. Mag-aamok 'yang si Audrey kapag nalaman niyang sinusundan ko siya.
Makisama ka naman miss.
"Eeeeek. Hehe. Uy gwapo" the girl beside me poked my face.
Nakita ko sa peripheral vision ko na napalingon si Riri. Sino ba namang hindi mapapalingon sa tunog na nililikha nito? Kulang na lang ay isipin nilang may dagang nakasakay sa jeep.
Buong byahe ko tuloy tiniis ang kalikutan ng babaeng katabi ko. Bumaba si Riri sa tapat ng isang subdivision. Pinagpatuloy ko ang pagsunod sa kanya.
Huminto siya sa tapat ng bahay na napupuno ng iba't-ibang abubot. Pumasok siya roon. Pagpasok niya ay sinilip ko ang bahay.
I am surprised.
Girls wearing their thick lipsticks. It is not Riri's style. Lalo akong binalot ng curiosity.
Nakita kong kinawayan ni Benneth si Audrey at nilapitan ito.
Nang pumasok sila sa bahay ay ipinasak ko na lang earphones ko sa tenga.
Oo hihintayin ko talaga ang pag-uwi ni Riri. Nakakabagot din naman sa bahay.
Are you really just fckin' bored Deon kaya mo sinusundan si Riri?
Well, yeah.
Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas nang muli sa garden si Riri. Wearing a damn strapless red dress. And a 4 inches heel? Just darn it!
Ganito ba talaga siya kapag gabi? Gumagala kung saan? Nagsusuot ng ganyang mga damit?
Ilang oras akong nakatanaw mula sa malayo. Pero nanatili lang sa kanyang table si Audrey. Tumayo lang siyang muli noong hinila siya ni Benneth patungo sa nagkukumpulang mga bisita. I wonder what they were doing?
Hindi maipaliwanag ang mukha niya nang umalis sa nagkukumpulang mga tao. Pagkatapos noon ay naupo lang siyang muli.
Mga ilang minuto lang nang tumayo siya at pumunta sa harapan, katabi ang isang lalaki.
Nanlaki ang mga mata ko nang uminom siya. Sunod-sunod niyang nainom ang kung anumang nasa baso. I am pretty sure, it's an alcoholic beverage.
Pagkatapos siyang makainom ng marami-raming nakalalasing na inumin ay tutumba-tumba niyang hinarap iyong lalaki saka niya sinapak.
BINABASA MO ANG
Brutal Love
Teen FictionAudrey Castillo is a resilient person. She is a tough fighter. Naniniwala siyang kaya niyang mabuhay ng walang tulong mula sa kahit sino mang lalaki. She is the top 2 student of Ashton High. Palagi na lamang siyang pumapangalawa sa kahit anong bagay...