KABANATA 2: Pagod

70 5 0
                                    

[Pagod]

"Audrey, ito na ang isusuot mo" iniabot sa akin ng manager iyong costume ko para sa araw na ito.

Napatitig ako sa doon sa blonde at kulot-kulot na wig. Hindi ako marunong magsuot non.

Napansin ata iyon ng manager at siya'y ngumiti. "Ako na ang maglalagay sa iyo ng wig"

Sinuklian ko ng isa pang ngiti ang kanyang ngiti saka ako tumango. Nagtungo ako sa dressing room.

Sa pagsuot pa lamang ng blouse ay ang hirap na. Ang kati pa sa katawan. Halos mapabaluktot pa ako sa paglaso ng malaking ribbon sa likuran non. Sunod kong isinuot iyong bustle back skirt. Ang bigat sa bewang.

Tumingin ako sa salamin, napangiwi ako sa aking itsura. Kulang na lang ay paligiran ako ng pink roses sa sobrang pagkarosas ng presensya ko. Isinuot ko iyong mini tiara, stockings na pink at doll shoes na pink.

Pagkatapos kong magbihis ay lumapit ako sa manager. Siya ang nagsuot sa akin nung wig.

"Call Elise. Siya ang magme-make up sayo" nginitian niya ako.

Napaawang ang bibig ko. Hindi ba't malagkit iyon sa mukha? Saka hindi yata bagay sa akin ang ganon.

"Okay lang kung ayaw mong mag make up pero kahit magpulbos ka man lang. Okay na" mukhang nabasa ata ng manager ang nasa isip ko.

Umiling ako. Nakakahiya naman kay Mrs. Lana kung aarte pa ako. Nagtungo ako kina Elise na nasa dressing room ngayon.

"Audrey upo ka" ngumiti siya at tinapik iyong upuan. Umupo ako roon at ngayo'y nakaharap na ako sa salamin.

"Uhmm.. Light make-up will do" dinig kong bulong niya.

Sinimulan niyang lagyan ng kolorete ang aking mukha.

"Audrey-san, pikit" san? Paggalang ata iyon sa japanese. May lahi kasing japanese itong si Elise. Pati ang kanyang kapatid na nagtatrabaho dito, si Eloise. Una niyang inayusan ang aking mga mata.

Pag-uwi ko noong Huwebes ay panay ang ubo ni mama. Napagod na masyado sa trabaho. Kaya naman nagdesisyon akong humanap sa internet ng trabahong para talaga sa mga gustong mag working student.

Sa ngayon ay nagtatrabaho ako sa isang Lolita themed Cafe. Yun bang magcocosplay kami, cosplay nga ba ang tawag dito? Basta iyon na yun. Kami ay mga Hime Lolita ngayon o yung parang mga prinsesa ba? At parang may pagka European style.

Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ko gayong wala naman akong alam sa pagpapa cute.

"WOW" lumuwa ang mata ko nang makita kung gaanong kalaki ang sahod sa nakita kong part time job sa internet. Agad kong ni-click iyong link para tignan ang mga inpormasyon ng trabahong iyon.

Pero hindi naman talaga ganoong kalaki ang sweldo. Sadyang mataas na iyon para sa isang tulad ko na hindi naman mayaman. Exaggerated ako pagdating sa ganito. Gustong-gusto ko kasing makatulong sa mga gastusin namin sa bahay.

Pagsapit ng Biyernes, uwian. Agad akong pumunta sa Lolita Cafe para mag-apply. Sa pinto nito ay may nakapaskil na papel. Sinasabi doon na isa na lamang ang kulang na employee. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakaabot ako sa pag-aapply.

"Tanggap ka na"

"Eh?" napanganga ako. Hindi ko pa man din naiaabot iyong requirements ay sinabi na iyon ng manager. Malaki ang kanyang ngiti. Mukha namang mabait siya.

"Okay then, prepare yourself for tomorrow. Bukas na ang opening ng cafe. Don't be so confused kung bakit tinanggap kitang agad. I have a reason. Gusto ko ang aura mo" ngumiti siyang muli at kumurba ang singkit niyang mga mata. Weird tho.

Brutal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon