KABANATA 4: Egregious

65 5 0
                                    

[Egregious]

"Darn You"

Yun na lamang ang nasabi ko. Naestatwa ako. How will I react? I cannot believe it. Balak niya ba akong gahasain? All this time ba ay pinagnanasaan niya ang katawan ko? Kidnapper ba siya? Nauubusan na ng pera at balak na ibenta ang mga lamang loob ko?

I shrugged my head because of that thoughts.

Hinawakan ko ang katawan ko na para bang pinoprotektahan ito mula sa kanya.

"Teka.. teka" naghand gesture pa siya. "This isn't what you think"

"Letse kang manyak ka! Dapat pala ay tinuluyan na kita!" halos maputol ang ugat ko sa nanggagalaiti kong sigaw.

Tumayo siya mula sa pagkakalagapak at nilapitan ako.

Hinampas-hampas ko ang dibdib niya.

"Aw" hinaing niya. Pinagpatuloy ko ang malalakas na hampas sa kanyang dibdib. "That's enough" aniya.

Hinigit niya ako patungo sa kanyang dibdib. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Nakakasuka. Nakahawak siya sa aking ulo.

"I just want you to think that you're a girl too. Audrey, paano kung manyak nga talaga ang nakasunod sa'yo kanina at hindi ako?"

Inilayo ko ang sarili ko sa kanya.

"Bakit, hindi ba't manyak ka naman talaga? And now what? I am being scolded by an asshole. Great!"

"Hindi mabuti para sa isang babae ang umuwi ng late" he imitated me.

Gayang-gaya niya ang pagkakasabi ko kay Nicole non. Is he stalking me? Gusto kong ihampas sa kanya ang sarcastic niyang sinabi!

"Are you stalking me huh!?"

"You may feel secured because you're strong. But Audrey, you need to be extra careful sometimes"

"Tigilan mo ako sa kaka-ingles mo. Know your limitations and stop playing pranks like this! Hindi ako tanga" tinalikuran ko siya. Nanggagalaiti ako. How long will he treat me like an idiot?

Huminto ako sa paglakad "Go home. Huwag na huwag mo akong susundan" dagdag ko saka tuluyan nang naglaho mula sa paningin niya.

"Isang dalagita ang pinaslang matapos na gahasain. Pauwi na mula sa part time job ang dalagita ng mangyari ang nasabing insidente"

Kinuha ko ang remote at agad na pinatay ang maliit na tv sa dressing room ng cafe.

"Hindi mabuti para sa isang babae ang umuwi ng late"

"Hindi mabuti para sa isang babae ang umuwi ng late"

"Hindi mabuti para sa isang babae ang umuwi ng late"

I shrugged my head. Binabangungot ata ako ng boses ni Deon.

"Audrey-san. Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Eloise.

"Yup" tumango ako saka ngumiti. Nagtungo ako sa working area, tumambay lang ako doon ng ilan pang minuto hanggang sa matapos ang break time.

"Audreeeeey! 3 sugoi sandwiches at hot chocolate para sa table 3. Sorry, naca-call of nature na talaga ako!" Elise panics as she hurries into the comfort room.

Brutal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon