[Revealed]
"Oh my God Audrey"
"Ano Nicole nakakita ka na naman ng gwapo?"
Poker face.
"Hindi Audrey. Look!" aniya at ibinalandra sa akin ang cellphone na kasalukuyang naka play ang video ko.
"H-HUH? boyfriend ka diyan! Hindi talaga kami ni Deon okay? Patawa ka hahaha! Kunwari lang yun!"
Nakapagtataka. Ito siguro yung mga panahong lasing ako. Pero sino ang nagrecord nito?
I clenched my fist.
Naiinis ako.
Naiinis ako dahil mukha akong sinto-sinto sa video!
Hindi ko na lang pinansin yung video at ibinalik ko na ang aking tingin sa cellphone.
"Wala ka bang irereact man lang?" kinalabit ako ni Nicole.
"Sino bang nagpost niyan? Bukod sa mukha akong baliw dyan sa video eh ang sagwa pa ng suot ko. Pasalamat siya at mapalalampas ko pa iyan"
"Hay nako Audrey. Read the caption kasi!"
The so called Deon's girlfriend and their sweet love story are all fake. What can you say?
Is he asking for sympathy?
"Yung naka ghost name ang nag post niyan" aniya. "Basahin natin ang comments Audrey.
After that ay nag scroll down siya at kung anu-anong exaggerated na comments ang tumambad sa amin. Mapapasapo ka na lang talaga ng ulo.
Curiosity will kill me. Sino ang nagrecord niyan at sino ang naka ghost name na 'yon? I want to ask Deon. Alam kong alam niya. Iyon pa kaya. Hindi naman siguro ako maaabutan ng isang 'yon kagabi doon sa party ng walang natutuklasan.
Aba'y parang kabute kaya yun. Basta-basta na lamang sumusulpot.
Bukod sa kamanyakan niya, I am sure… may iba pang nangyari kagabi. Alam kong palagi na lamang siyang sumusulpot sa kung saan, but I know, he always do that purposely. Palagi niya akong naililigtas sa kabila ng mga pang iinsulto niya. I know. I know that it isn't purely coincidental. He did all of that for a purpose.
Nagpatuloy si Nicole sa pagmumuni-muni o pagsasagawa ng kung anong ritwal man. Kung anu-ano ang sinasabi. Galit na galit. Mas madami pa siyang reaction sa akin.
Nagkibit-balikat na lamang ako. Lilipas din naman 'yan. I cannot please everyone to understand me... to understand my side. Explaining is futile. Lalo na kung sarado naman ang isipan ng mga taong pagpapaliwanagan mo. Minsan, hangga't ipinapaliwanag mo ang sarili mo sa kanila lalo lang sasama ang tingin nila sayo.
Sumapit ang kinabukasan.
Pagpasok ko sa school ay nadatnan ko ang ibang estudyanteng nakatambay sa hallway. At dinig na dinig mo kung ano ang pinapanood nila. Sino ba namang hindi makakikilala sa sariling boses? Hanggang ngayon ba ay hindi pa nila napapanood ang video ko? Or they just really love raping the play button?
Nakatingin sila sa akin habang naglalakad ako. Unlike in dramas or what, hindi naman gaanong matalim ang tingin nila sa akin. Mas dama mong binabalot sila ng curiosity. They aren't furious na basta-basta na lang akong sasabunutan sa corridor habang naglalakad dahil involved dito ang prince charming nila.
Pagtuloy ko sa classroom ay wala pang tao. Tumingin ako sa aking relo, 6:30 am. Masyado ba akong napaaga? 7 ang pasok namin, usually ay narito na dapat ang mga classmates kong parating maaga pumapasok.
BINABASA MO ANG
Brutal Love
Teen FictionAudrey Castillo is a resilient person. She is a tough fighter. Naniniwala siyang kaya niyang mabuhay ng walang tulong mula sa kahit sino mang lalaki. She is the top 2 student of Ashton High. Palagi na lamang siyang pumapangalawa sa kahit anong bagay...