LoveHigh: Transferee Part 1

2.8K 69 5
                                    

"Excuse me. Pardon. Oops.-- Sorry." Papunta na ako ngayon sa Principal office ng bago kong school. Ewan ko ba kay mami kung bakit kailangan niya akong ilipat eh maayos naman ang mga grades ko dun sa isa kong school. Hindi rin naman ako nag re-rebelde.


"Oops..-- Sorry sorry. Sorry talaga." Sabi ko nang may makabangga akong nagandang babae.


"Oh. Okay lang. Bago ka dito?" Tanong niya. Tumango naman ako.


"Kaya naman pala eh. I'm Rose Anne. But you can call me Rose or Rosas." Sabi niya at nilahad ang kamay niya saakin.


"Uh. Hello nice meeting you. Ako si Patricia Geacaniga. Hehe. Una na ko ha? Kailangan ko kasi talagang makapunta na sa Principal office eh." Ako si Patricia Geacaniga. 16 years old at mag eenroll bilang 4th year high school student.


"Oh sure. You need a company?" Umiling iling naman ako sakanya kasi nakakahiya naman yung papayag pa ako eh ngayon lang naman kami nagkakilala.


"Salamat Rose ha? Sige! See you around!" Kumaway naman ako sakanya. Narinig ko pang sumigaw siya ng good luck bago ako tuluyang maalis sa paningin niya.


Nang makarating ako sa Principal office ay agad agad kong binuksan ang pinto. Nakita ko si Mr Copuz. Ang principal ng school.


"Good morning Mr. Corpuz. Late na po ba ako?" Umiling iling naman ito saakin.


"You're just in time hija. Please take a seat." Umupo naman ako sa tapat niya.


"Eto na po yung mga kailangan ko." Sabi ko at binigay sakanya ang brown envelope. Tinignan niya yung requirements na binigay ko sakanya.


"I'm impressed with your grades. Maganda naman pala ang performance mo sa dati mong school bakit ka pa nag transfer dito?" Bakit parang ayaw niya yata na may nag aaral dito? Grabe naman to.


"Ah. Hindi ko rin po alam kay Mami eh. Sabi niya po kasi mas maganda dito at matuturuan ako maitaas ang self confidence ko." Tumango tango naman si Mr Corpuz.


"So. Hindi ko na kailangan mag isip pa kung tatanggapin kita o hindi dahil halatang halata naman sa requrements mo na maayos kang estudyante. So ipapatawag ko ang president ng SSG para i-orient ka sa place at syempre sa rules and regulations ng school. Okay ba yon?" Tanong niya saakin. Tumango naman ako sakanya. Umalis siya sa pagkakaupo at may tinawagan. Hindi ko naririnig ang pinag uusapan nila dahil malayong malayo ang pinuntahan nito.


After ilang minuto ay bumalik na din siya sa kanyang pagkakaupo.


"Let's wait for Mr. Dizon." Tumango naman ako. Kinakabahan ako na naeewan ako. Parang hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.


"Wooohh Hi Corpie!" Corpie? Grabe naman. Tumingin ako sakanya. May itsura naman.


"Nako Danie! Napaka mapagbiro mo talaga. Danie, this is Patricia. She's new here and I..--" Hindi na natapos ni Mr. Corpuz ang sasabihin niya nang mag salita ito.

Love High [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon