"OMG MA!!!! Late na ako. Bakit hindi ko ako ginising? Nakakainis naman oh." Sabi ko kay mama. Mabuti nalang at wala kaming exam ngayon kundi patay talaga ako.
"Anong hindi ginising? Kanina pa kita ginigising dyan pero hanggang ngayon hindi ka parin nagigising. Kaya wag mo akong sisihin dyan sa pagkalate mo kasi wala akong kasalanan dyan." React pa ni mama. Eto si mama alam niya namang kasalanan niya pero hindi niya inaamin. Napaka taas ng pride eh.
Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at naligo na ako kaagad. Ang dating 30 minutes ay naging 5 minutes nalang. Dali dali rin akong nagsuot ng t shirt at umalis na ako ng bahay.
"Alis na ko maaa!!!" Sigaw ko nang makalabas na ako sa bahay
Nakarating ako ng school at agad agad akong pumasok sa classroom. Hindi naman kasi ako College student na pwedeng sa ganitong subject lang napasok.
Ako nga pala si Meagey Hugo pronounced as Miggy. 4th year High school sa Love High. Ewan ko kung bakit ayun yung pangalan pero sabi nila Years ago ay Patillo High daw ang pangalan nito pero wala na akong time para ikwento sainyo ang past ng school dahil late na talaga ako.
Pag dating ko sa classroom ay walang teacher. Sinalubong ako ni Jerwin na nanliligaw saakin ngayon.
"Bakit ngayon ka lang? Buti nalang wala tayong teacher ngayon." Napahinga naman ako ng malalim dahil doon. So hindi pa ako late?
"Hindi kasi ako ginising ni mama eh. Grabe, mabuti nalang wala si Ma'am. Tumango naman siya. Umupo na ako sa pwesto ko which is katabi ni Jacob.
"Iba ka." Sabi niya habang nakasuksok ang mukha sa mga braso niya.
"Ano yun?" Tanong ko sakanya pero hindi na siya ulit nag salita. Ganyan naman yan eh. Mag sasalita nalang bigla hindi naman maiintindihan tapos pag tinanong mo ulit ay hindi naman sasagot. Minsan nga lang pumasok yan eh. Palaging wala sa class tapos minsan naman ay break time na siya dadating kaya absent siya sa ibang subjects. Pero pag may exam ay palagi siyang present at nakakasagot naman siya kaya hinahayaan lang siya ng mga teachers dahil kaya naman daw niya.
**
Lumipas ang oras na wala ni-isa ang dumating sa class. Yun pala ay nag meeting sila dahil sa darating na foundation day ng school. Sayang lang ang pagmamadali ko kanina, wala naman palang class. Pumunta nalang ako sa canteen at doon ini-spend ang natitirang oras ko sa eskwelahang ito.
Nabigla ako nang may tumabi saakin. Si Jacob. Hindi siya nagsasalita, kumakain lang siya.
"Alam mo? Weird mo." Prangka kong sabi sakanya. Tumango naman siya saakin pero hindi parin nag sasalita.
"Wala ka man lang kinakausap sa room. Hindi ka napasok pag hindi mo trip. Late na late ka tapos minsan naman matutulog ka habang nag k-klase. Pero pag nag exam alam mo ang isasagot mo? Eh ako nga kahit pag puyatan ko ang pag re-review, walang napasok sa utak ko. Bakit ganun? Ang unfair kasi eh." Hindi siya sumagot pero tumayo lang siya bigla. Hindi pa siya tapos kumain. Napikon kaya? Ewan ko.
BINABASA MO ANG
Love High [COMPLETED]
Cerita PendekLove High contains 3 series. LoveHigh: Transferee, LoveHigh: Student and LoveHigh: Alumni. Love High is a story of 6 people who were tested by fate and right time. Everything was well until the confession came. Will they be able to pass the test or...