Meagey's Point Of View
Nag patuloy lang sila sa kwentuhan tungkol kay Pat at Danilo. Ewan ko kung bakit sila nag karon ng interes dito pero bawat tanong ay nasasagot naman nila.
"You're a slow worker." Napalingon ako sa nag salita. Si Jacob. Umirap nalang ako sakanya at nilagay ang last na design doon sa background.
"Ayan na tapos na." Sabi ko at masayang tinignan ang kabuuan ng background. Umiling iling lang si Jacob at hinila na ako palabas. Sumunod naman si Lory saakin. Pumunta kami sa room nila Bryan kung saan nag de-design sila ng 'Under the mistletoe' booth. Masyado na daw kasing common ang pangalan na kissing booth kaya binago nila. Nag didikit sila ng mga mistletoe sa taas. Pupunuin nila ito ng Mistletoe.
"Anong matutulong namin?" Tanong ko. Napalingon naman si Bryan saamin. Ngumiti siya saakin pero hinarang din kaagad ni Jacob ang sarili niya para hindi ko makita si Bryan.
"I don't want anyone to smile at you." Sabi niya at umalis na ulit sa harap ko. Nag simula na siyang tumulong. Umiling iling nalang ako.
Tumulong din kami ni Lory sa pag dikit ng mistletoe sa dingding. Hagikgik ng hagikgik si Lory habang ginagawa niya iyon.
"Ano bayan Lory!" Sigaw ni Bryan. Natahimik naman si Lory dahil doon. Muli akong sumilip kay Jacob na busyng busy sa pag le-lettering nung name ng booth nila. Bumaba ako sa hagdan at nilapitan siya.
"You need help?" Tanong ko sakanya. Umiling naman siya kaya tumayo na ako ulit.
"But if you insist, you can." Sabi niya nang hindi ako nililingon. Umupo ako ulit at tinulungan na siya sa mga designs. Hindi ko naman kasi pwedeng pakielamanan ang lettering niya dahil baka pumanget pa kung papakielamanan ko pa iyon.
"Ay ano yan? Kayo ha!!" Kantyaw ng mga nasa loob ng classroom. Nakita kong lumapit si Lory saamin.
"Oops..-- Nasa ilalim kayo ng mistletoe. Paano ba yan?" Mapang asar na sabi naman ni Yvan. Isa sa mga classmates ni Bryan. Napatingin ako kay Lory na may hawak hawak na mistletoe at talagang tinapat niya iyon sa ulo namin.
"Kiiisss. Kiss!!" Tigilan niyo yan guys! Baka sunggaban ko talaga ito. Ay joke! Meagey naman ang kalandian iwan sa banyo.
Nabigla ako nang lumapit saakin si Jacob. Napaatras pa ako dahil doon.
"Ay.--" Hindi na natuloy ni Bryan ang pang asar niya dahil sinaway siya ni Yvan. Lumapit pa saakin si Jacob. That time hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. Nang mawalan na ako ng pag aatrasan ay tumigil na ako. Kabog ng puso ko ang tanging naririnig ko. Wala na akong alam sa nangyayari.
Lumapit pa siya saakin. Pumikit ako at hinintay na lamang ang pag lapat ng labi niya saakin. Nararamdaman ko na ang paghinga niya. Konti nalang..
*Kring kring*
*Kring kring*
BINABASA MO ANG
Love High [COMPLETED]
Short StoryLove High contains 3 series. LoveHigh: Transferee, LoveHigh: Student and LoveHigh: Alumni. Love High is a story of 6 people who were tested by fate and right time. Everything was well until the confession came. Will they be able to pass the test or...