LoveHigh: Alumni Part 3

249 15 1
                                    

Nakatunganga ako ngayon sa cellphone ko habang tinignan kung sino ang nag friend request saakin sa facebook. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala kami friends ni Lorence. May friend akong account niya pero sa tingin ko ay matagal na iyong hindi nagagamit.


"Anong tinutunganga mo dyan Maikaa?" Puna nanaman ni Maikee saakin. Umirap nalang ako sa hangin at in-accept ang friend request ni Lorence.


Minsan talaga si Maikee panira ng moment eh. Nakakainis!


"Maikee. May schedule ba tayo bukas?" Tanong ko sakanya at pinatay ko na ang cellphone ko. Naramdaman ko pa ang pag vibrate nito ngunit hindi ko nalang pinansin.


"Wala naman. Bakit? Ayaw mo bang pumunta ng school?" Tanong niya saakin. Tumingin muna ako sa kisame namin bago ako bumaling sakanya.


"Ayoko. Gusto ko munang mag pahinga. Nag leave ako sa trabaho pero ganun rin, wala rin akong pahinga. Anong use non." Sambit ko sakanya. Tumango naman siya pero ang totoo ay dahil lang alam kong wala roon si Lorence kaya ayoko talagang pumunta ng school. Pakiramdam ko ay hindi ko mae-enjoy iyon.


"Ay sino 'to? Kilala mo?" Tanong niya saakin sabay pakita ng picture ni Lorence na may kasamang babae. Kaakbay pa niya ito. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko kahit na alam kong wala naman akong karapatan.


"Hindi. T-tignan mo yung naka tag." Umiwas ako ng tingin kay Maikee dahil alam ko, anytime ay kaya niyang ma-sense ang nararamdaman ko.


"Wala eh. Walang naka tag." Sabi niya at umiling iling. Pinatay niya ang phone niya at lumabas ng kwarto sa hindi ko malamang dahilan. Naiwan ako doon at naiinis ako sa sarili ko dahil umiiyak ako kahit na napakababaw naman ng dahilan.


May babae lang kasama sa picture, nag seselos na kaagad ako. Bakit? Wala namang kami, hindi ba? Hindi naman siya saakin so okay lang dapat kahit na may gusto siyang iba dahil hindi ko naman siya pag mamay-ari.


"Nakakainis ka Lorence! Bakit ba bigla ka nalang sumagi sa isip ko? You're like a storm. You passed by, made me miserable and left just like that!" Pag kausap ko sakanya kahit na alam kong hindi niya ako maririnig at hindi niya kailanman malalaman ang nararamdaman ko.


Kung tutuusin ay hindi niya naman kasalanan kung nag mumukmok ako ngayon dito sa kwarto. Ako ang may kasalanan nun dahil hindi ko kinontrol ang sarili ko. Dapat hindi ito ang nararamdaman ko dahil mali ito. Maling mali.


"Hay! Hassle naman sa trabaho. Tatlong araw palang akong nawawala pero ang dami na kaagad problema. Parang mas gusto kong bumalik nalang muna sa opisina ngayon para maayos iyon kaysa naman tambakan ako ng problema pag balik ko." Reklamo ni Maikee nang makabalik sa kwarto. Hindi ko siya pinansin bagkus ay nag talukbong ako ng kumot at nag mukmok sa ilalim nito.



Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sinag ng araw. Ginawa ko na kaagad ang daily routine ko tapos bumaba na para kumain since wala na rin naman sa kwarto si Maikee.


"Oh maikaa gising ka na pala. Kumain ka na." Sabi ni Maikee. As usual, wala nanaman si Daddy dahil maaga siya sa school para makita ang lakad ng foundation day. Hindi ko alam kung bakit kailangan araw araw niyang mina-manage ang happiness ng mga visitors a.k.a. outsiders. Pa-impress lang talaga si daddy para sa mga next generation noong mga students na iyon panigurado.

Love High [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon