LoveHigh: Transferee Part 2

1K 43 0
                                    

Patricia's Point Of View


"Hindi mo ba alam kung anong school ang pinasukan mo?" Kinabahan ako sa tono ng pananalita niya at sa pag tingin niy saakin. Bakit? Ano bang school to? Sa pagkakaalam ko itong school na to ang pinakasikat na school dito sa Love City. Ewan ko.


"Anong ibig mong sabihin." Binigay niya sakin ang isang notebook na may nakasulat sa labas na Rule book Binasa ko ito.


School requirements:
Dating is a Must.
Boyfriend/Girlfriend is a requirement. (Every month must be a new student)
LOVE is a project.


The only Rule of the school:
You can't fall in love.


Nanlaki naman ang mata ko.


"Anong ibig sabihin nito Danie?! Bigla akong nahilo sa mga nabasa ko. Jusko! Ano to? Hindi na ako marunong mag basa. Wala akong mabasa. DANILO ANO BA TONG SCHOOL NA TO?" Tinakpan niya ang bibig ko para manahimik ako.


"Ang school na ito ay nakapangalan kay Patillo Fernandez. Ang may ari ng School. Kaya ito tinawag na Patillo High School. But this school is known as.. LOVE high." Bumagsak naman ang katawan ko sa narinig ko.


"Ang pag rerelasyon every month ay requirement. Kung hindi ay mapapatalsik ka sa school na ito at iba-banned ka na sa ibang schools. Kaya once you enter this school, you can't quit anymore. Love is a project. Kailangan maipakita mo sa mga teacher mo na may karelasyon ka. Syempre hindi naman mawawala ang mga subjects. Tuturuan parin naman tayo dito pero more on about love ito." Sabi pa niya. Naglakad lakad pa kami habang nag e-explain siya.


"Eh paano kung walang magkagusto saakin dito? Look at me Danie! I'm hopeless!" Tinignan niya ako mula Sa buhok kong nakatirintas hanggang sa palda kong mapakahaba.


"Exactly. Kaya kailangan mong magpaayos ng sobra para mapansin ka ng mga lalaki dito. At Syempre kailangan mo ng self confidence." Totoo pala talaga ang sinabi ni mami. Mae-enhance ang self confidence ko dito.


"Jusko naman." Tinapik naman ako ni Danilo sa braso ko.


"You're on your own now Pat. I'm sure they will give you much time to adjust with your new environment. Goodluck Pat!" Yun lang at umalis na siya. Napatakip ako ng mukha ko at hinilamos ito. Ano ba tong pinasok ko? Tama ba to?


"Hey Pat!" Tumingin ako sa tumawag saakin. Si Rose.


"Rose!! Tell me. Paano ka nakakasurvive dito? Ilang taon ka na dito?" Bumuntong hininga naman si Rose.


"Let me tell you a story. Long time ago. Mga nasa Elementary pa ako. This school was called Patillo University. Also called, the university that is full of love and happiness. Elementary palang ako. Dito na ako nag aaral kaya naman naisipan ko na dito na din mag high school. Okay naman ang pamamalakad dito. Kaso nang mag 2nd year ako ay kasabay nun ang pagkamatay ng Asawa ni Mr Fernandez. Mahal na mahal niya ito. Hindi sila nag kaanak. Kaya naman binago niya ang halos lahat sa Patillo University. Ginawa niya itong Patillo High at mas kilala bilang love High pero ibang iba ito sa pagkakakilala rito. Kung nakilala ito dahil sa iniisip nila ay puro pagmamahal dito at saya. Nagkakamali sila. Puro lokohan. Puro peke at kung ano ano pa. Parang nakalimutan na nila ang tunay na depinisyon ng pag ibig. At si Danilo? Yung kasama mo kanina? Siya ang pinaka maraming target dito dahil pamangkin siya ni Mr Fernandez." Nakinig lang ako nang nakinig sakanya.

Love High [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon