Jacob's Point Of View
Everything is well, everything is great. Love theme is perfect like I ever known before. It feels like you were truly in love with everything you see by just staring at them. Hindi ko naman sinasabi na napakagaling namin sa designs pero nasasabi ko talagang ang ganda halos ng kinalabasan ng lahat ng ito.
"Ayun ba si Ate Maikaa at ate Maikee?" Tanong ni Lory sabay turo sa dalawang babaeng magkamukha na kasama ngayon ni Mr. Merquita.
"Mr. Merquita!" Tawag ni Bryan rito. Lumingon naman ito saamin at masayang nilapitan kaming apat.
"I want to congratulate the four of you for a very successful foundation day designs. Napakahusay! Siya nga pala, ito si Maikaa at Maikee. Ang mga anak ko." Pinakilala naman kami isa isa ni Mr. Merquita tapos nag paalam na rin kaagad dahil mag lilibot libot pa raw sila.
Hindi naman masyadong malaki ang eskwelahan namin dahil High school lang naman ang nandito pero maraming exciting booths ang dinagdag ng mga 4th year students sa theme ngayon dahil tuwang tuwa sila nang nalaman nilang love ang theme ng foundation.
Nag vibrate ang phone ko sign na may tumatawag. Agad ko itong sinagot.
"Hello?" Maingay ang background at mukhang may kaguluhang nangyayari.
"Hello Jacob? Pumunta ka dito ngayon. Nandito sila Erianna. May pag uusapan daw tayo." Rinig kong sabi ni Kuya Joshua sa kabilang linya. Agad ko itong binaba matapos ang tawag tapos umalis na rin kaagad.
(A/n: Eto yung happenings bago ang Chapter 8 ~Debate for what is right sa Me and My Four Evil stepbrothers. At dahil hindi naman tungkol sa MAMFES ito. Icu-cut ko na ito.)
**
Kinabukasan, bumangon ako kaagad para makapunta ng school dahil hindi na ako nakabalik kahapon dahil nga sa nangyari sa bahay. Pag dating ko ng school ay agad hinanap ng mata ko sila Meagey. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko naman sila kaagad.
"Meagey!" Napalingon sila saakin kaya naman ngumiti ako.
"Oh Jacob! Buti nandito ka. Hindi ka na bumalik kahapon." Sabi ni Lory. I nodded.
"Nagkaroon kasi ng problema doon sa bahay eh." Tumango naman sila. We walked around the school. I noticed na maraming outsiders dito. I mean, hindi dito nag aaral.
"Masyadong maraming na-imbita." Puna ni Bryan na ikinatango naman ni Meagey at Lory.
"SIMULA NGAYONG ARAW NA ITO AY HUHULIHIN ANG MGA NAKA-CONVERSE NA SAPATOS." Rinig naming announce sa speaker. Napatingin ako sa sapatos ko at napansin kong converse iyon.
"WTF?!" React ni Meagey. Pareho kami ng sapatos kaya naman kaagad kaming tumakbo upang hindi kami makita.
"Ayun! Si Jacob at Meagey!" Rinig naming sigaw ng isang sophomore at hinabol na kami ng mga juniors.
BINABASA MO ANG
Love High [COMPLETED]
Historia CortaLove High contains 3 series. LoveHigh: Transferee, LoveHigh: Student and LoveHigh: Alumni. Love High is a story of 6 people who were tested by fate and right time. Everything was well until the confession came. Will they be able to pass the test or...