LoveHigh: Student Part 3

468 23 2
                                    

Meagey's Point of View


Busy ang lahat para sa preparation ng foundation day. Sumasakit na nga ang mga mata ko dahil sa puro pula at pink ang nakikita ko. Bakit tuwing usapang puso ay pula at pink kaagad? Pwede namang black diba? Ay joke.


"Hi lovergirl." Tinignan ko si Bryan. Umirap nalang ako sakanya.


"Hoy Kamusta ang tulog?" Tanong ni Lory nang makita ako sa corridor. Sabay sabay kaming tatlong pumunta ng classroom. Hindi namin classmate si Bryan.


"Okay lang naman." Sabi ko sakanila. Alam kasi nilang hindi ako nakatulog dahil nanaman kay Jacob. Ewan ko ba, he's so weird these past few days at hindi ko naiintindihan ang weirdness na iyon. Masyado niyang pinapasakit ang ulo ko.


"Okay daw. Asus! Ayan si Jacob oh!" Napatingin naman ako sa sinabi ni Lory pero walang Jacob akong nakita doon. Sa kabilang banda ay nakita ko si Jerwin at nang mahagip niya ang mata ko ay kumaway siya saakin.


"Hinanap mo naman. Sorry to disappoint you my girl pero walang Jacob na papasok ngayon. Hindi ka pa sana.---" Hindi na natuloy ni Bryan ang sasabihin niya nang biglang may humila saaking braso. Pag tingin ko, si Jacob iyon. Tinignan ko siya ng naguguluhan.


"Ano ba?!" Inis kong singhal sakanya. Bakit ba kasi siya hila ng hila?


"Isasama lang kita sa Principal office!" Woah, ang haba yata non? Tumingin ako kanila Bryan, nakangiting aso ito saakin. Si Lory naman ay humahagikgik habang tumatango. Umirap nalang ako at bumaling kay Jacob.


"Ayokong sumama. Tinatamad ako." Binawi ko na ang braso ko sakanya at matalim siyang tinignan. Nakipag laban siya ng tingin.


"Hindi ko naman tinatanong kung pwede kang sumama. Ang sabi ko isasama kita. So it means, gusto mo o hindi. Isasama kita, naiintindihan mo? Stupid." Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiirita ako dahil tinawag niya nanaman akong stupid. Gusto ko talagang putulin ang dila niya nang matigil na siya eh.


"Hoy Jacob, pagkatapos mong laitin ang point of view ko tungkol sa love kahapon ay ia-approach mo lang ako na parang wala lang sayo iyon? Tumigil ka ha? Kung ayaw mong masapak kita pag hindi ako nakapag pigil." Inis na sabi ko. Irita siyang tumingin saakin.


"Nako Jacob, wala namang gagawin yan si Meagey doon sa classroom kaya pwede mo siyang isama." Sabi ni Lory kaya tinignan ko siya. Kaibigan ko ba talaga ito?


"Anong nangyayari dito?" Nalipat ang tingin ko kay Jerwin na ngayon ay nakatitig lang kay Jacob. Bumaling ang tingin niya sa braso ko na hawak ni Jacob kaya agad kong binawi iyon. Nakipag laban naman ng titigan si Jacob kay Jerwin.


"Isasama ko si Meagey sa principal office." Malamig ang tono ni Jacob nang sinabi niya iyon. Ngayon ko lang narealize na ang gwapo pala niya sa malapitan. Bakit ngayon ko lang ito napansin? At bakit nag kakaroon ako ng pakielam sa features niya?


"Bakit? Nag sabi ka ba saakin?" Ginantihan ni Jerwin ang lamig ng tono ni Jacob. Feeling ko maninigas na ako sa sobrang lamig ng mga tono nilang dalawa.

Love High [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon