Ang dami na naming nasakyan ni Lorence. Puro mga extremes at pumapasok din kami sa horror house. Ang dami na nga din naming pictures pero hanggang ngayon ay wala parin si Maikee. Aasa pa ba akong susunod siya?
"Asan na ba yun si Maikee?" Tanong ko sa sarili ko habang hinihintay si Lorence na dumating. Nandito kami ngayon sa food court. Yung malapit sa Pirate's Adventure. Siya ang bumili ng pagkain namin.
"Baka naman may ginagawa pa?" Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko. Umupo siya sa harap at tinitigan ako ng ilang minuto. Ako na ang bumawi ng tingin dahil hindi ko talaga siya kayang tignan ng ganon.
"Siguro. Pero kung hahabol pa siya, baka hindi niya lang ma-enjoy." Sabi ko sakanya. Anong oras na, alas kwarto na ng hapon. Alam ko namang hanggang mamayang gabi pa kami dito kung sakali na humabol si Maikee pero kasi syempre, mas okay na din kung masasakyan namin lahat hindi yung paulit ulit lang para kay Maikee.
Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong sinagot.
"Hello?" Salita kaagad ni Maikee sa kabilang linya.
"Nasaan ka na?" Tanong ko na kaagad.
"On the way na, hintayin niyo ako!" Natawa naman ako sa sinabi niya. Binaba niya na kaagad ang phone para daw mabilisan ang takbo. Muntik muntikan na ngang tumagos ang kamao ko sa screen para lang ma-abot siya eh. Baliw talaga ang isang iyon.
"Asan na daw?" Tanong ni Lorence. Kinuha ko muna ang pag kain ko bago ako bumaling sakanya.
"On the way na." Tumango naman siya at kumain.
Nang matapos kami ay sumakay kami sa Pirate adventure para mag pababa ng kinain man lang. Pa-chill chill lang kami doon habang tinitignan ang mga pirates. Napakatalino rin talaga ng gumawa nito eh, ano?
Pag labas namin ng Pirate adventure ay pumunta naman kami ng Peter Pan. Pag labas namin ay nandoon na si Maikee.
"Oh, ang bilis mo." Sabi ko. Pinunasan niya naman ang pawis niya.
"Hassle doon sa bilihan ng ticket. Buti nalang nakilala ako nung manager at binigyan kaagad ako! Jusko." Natawa naman ako sakanya. Mabuti nalang pala talaga.
Everything went well. Masaya at puro pictures kami. U-upload daw iyon ni Lorence mamaya pero syempre meron din naman ako sa cellphone ko kaya u-upload ko din iyon. Nakangiti ako habang nakatingin sa kisame. Hindi ko mapigilan.
"Ngiting ngiti oh!" Puna muli ni Maikee. Tinignan ko siya nag hindi inaalis ang ngiti sa mga labi ko.
"Ang creepy mo." Hindi ko siya pinansin bagkus nanatili akong nakangiti sakanya.
"Hindi ko alam na ganito pala kasaya." Bulong ko pero narinig naman iyon ni Maikee.
"Na ano? Mainlove? Nako Maikaa, sinasabi ko sayo. Masayang mainlove pero masakit pag hindi ka niya sasaluhin. Siguraduhin mong hindi ka papabayaang mahulog LANG niyan ni Lorence. Kung hindi, baka ako mismo ang mag lublob sayo sa balde para magising ka na sa katotohanan." Unti unting nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Maikee.
BINABASA MO ANG
Love High [COMPLETED]
Historia CortaLove High contains 3 series. LoveHigh: Transferee, LoveHigh: Student and LoveHigh: Alumni. Love High is a story of 6 people who were tested by fate and right time. Everything was well until the confession came. Will they be able to pass the test or...