Kinabukasan. Pinilit ko talagang hindi pumunta sa school pero dahil makulit ang kapatid ko ay tamad na tamad akong mag ayos ng sarili ko. Hindi ko alam kung bakit wala akong gana pero kasi kung hindi ko rin lang naman pala makikita si Lorence doon ay ayoko nalang umalis.
"Ano bang nangyayari sayo Maikaa? You're out of this world." Puna ni Maikee saakin. Umiling nalang ako at umiwas sa topic. Minsan nakakairita na ang special bond between saamin ni Maikee dahil pati yung mga bagay na ayoko malaman niya ay nararamdaman niya parin.
"Wala naman yun Maikee. May mga bagay lang dapat kasi talagang isipin kahit ayaw mo." Natatawa kong sabi. Umirap naman siya saakin. Tumawa nalang ako muli. Minsan napipikon yan sakin pero ika nga nila. Love wins.
"Wala! Sus. Alam ko na yung mga ganyanan mo Maikaa. Nakakalimutan mo yatang kambal tayo at pati saakin ay nag tatago kam May special bond na sa pagitan nating dalawa. Kaya tumigil ka Maikaa sa kaka-wala mo. Ano ngang problema mo?" Hindi niya ako tinigilan pero hindi ko parin sinabi sakanya. Ganun talaga pag mataas ang pride. Ayaw malaman.
Hindi ko nga din alam kung bakit kailangan kong itago yung nararamdaman ko although hindi pa naman ako sigurado kung may nararamdaman na nga ba ako para sakanya. Pero kasi iba na talaga eh. Tuwing bumabalik ang mga alala mula noong Prom. Nakakabaliw.
"Maikee. Ano pa bang gagawin natin doon sa School? Bukod sa titignan pa natin ang ibang booths. Ano pa ba? Hindi ko na yata mae-enjoy kung is-spend natin ang buong linggo ng doon lang." Sabi ko sakanya habang kinukulot ko ang laylayan ng buhok ko.
"Edi pag natapos na natin. Hindi na tayo babalik bukas. Easy, maikaa." Tumango nalang ako sa sinabi niya. Nag lagay ako ng light make up tapos tumayo na. Kanina pa kasi ako hinihintay ni Maikee.
**
Nandito na kami sa school. Buryong buryo na ako sa hindi malamang dahilan. Masaya naman ang mga ginagawa namin ni Maikee. Gina-guide kami nila Meagey at Jacob sa mga pwede naming gawin kaya enjoy talaga si Maikee. Pero ako, ewan ko.
"Mabuti naman kung ganoon nga." Rinig ko ang boses ni daddy. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at laking gulat ko nang makita ko kung sino ang kasama niya.
"Buti nga po eh. Pero pagkatapos nito ay kailangan ko nang bumalik. Busy na busy din kasi tito." Narinig kong sabi niya. Lumapit ako sakanila. Napansin naman ni Maikee yon kaya sumunod siya saakin.
"Uy Lorence! Buti naman at nakapunta ka pa." Sabi ni Maikee. Napalingon sakanya si Lorence at ngumiti sabay tingin saakin. Ang puso ko ay nag diriwang nanaman. Pag nandito siya sa tabi ko. Parang kami lang nandito. Okay ang korny ko naman.
"Oo nga eh. Pinag extend ako ng isang linggo pa. Mabuti nalang nga at nagawan ng paraan ng sekretarya ko yung mga kailangan gawin kaya hindi ko na kinailangan bumalik. Laking pasasalamat ko talaga sakanya." Nakangiting sabi niya. Gusto ko din yatang magpasalamat sa sekretarya niya.
Hindi nanaman ako makapag salita at ramdam kong napansin iyon ni Maikee kaya naman pinuna niya nanaman ang pananahimik ko.
"Nasaan nga pala sila Meagey. Kanina lang ay nakita kong kasama niyo sila ni Jacob?" Tanong ni daddy. Napalingon ako sa likuran at hindi ko na sila makita. Baka busy nanaman yun.
"Baka busy sa ibang mga visitors ng school. Masyadong masipag ang mga students dito sa Love high. Dad. Buti nalang at bumalik na ang dating pamamalakad dito. Kamusta naman ba si Mr Patillo?" Tanong ko kay daddy. Nag kibit balikat siya at seryosong tinignan ang buong eskwelahan na ngayon ay mukhang star city dahil sa mga efforts ng students.
"Ang alam ko ay masaya na siya sa kanyang bagong pag ibig. Darating siya sa huling araw ng foundation day kaya nga talagang pinag handa ko ang lahat. Makakarating ka naman dito, diba Maikaa?" Tumango ako kahit na hindi ko naman talaga sigurado.
"Oo naman dad, makakarating kami ni Maikaa. Ikaw ba Lorence? Nandito ka ng huling araw?" Tanong ni Maikee. Tumawa naman si Lorence kaya bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Jusko naman Lorence! Wag kang ngingiti. Wag mo na akong bigyan ng dahilan para mas mahulog pa sayo ng tuluyan.
"Nandito ako. Pero bukas ay hindi ko sigurado kung makakarating ako. May mga gagawin pa kasi ako. Sa susunod naman ay mag lilibot ako bago ako tuluyang umalis ng Pinas. Gusto niyo bang sumama? Pwede nating isama sila Jonas para naman may mga kasama tayo. Sila missy rin. Nakakamiss din kasi ang mga iyon." Hindi parin siya nakakalimot. Ako nga, halos hindi na maalala ang mga naging kaklase namin noong high school pero siya tandang tanda niya parin. I wonder, may girlfriend kaya siya? No doubt. Sa gwapo niyang iyan at sa ganda ng katawan niya. Isa pa, hindi na namin nakita ang isa't isa mula noong grumaduate kami ng high school.
Malay niyo, noong College days niya ay nagkagirlfriend siya. Hindi naman masamang i-state ang obvious di'ba?
"Oo nga. Para naman makapag catch up tayo." Sabi ko. Tumango naman si Maikee doon. Mukhang hindi yata ako pupunta dito bukas ah.
**
Natapos namin ang lahat ng rides at booths. Napanood na din namin ang hinanda nilang theater. Overall kung ire-rate mo ito ay talagang outstanding ang performance ng mga students. Nakakahiya man aminin pero mas ma-effort parin talaga sila kaysa saamin. Hindi naman ganito ka-bongga noong kami ang nag handa. Siguro ay talagang big deal para kay dad na pupunta si Mr Patillo dito.
"Ngiting ngiti ah. Anong meron?" Puna ni Lorence. Umiling nalang ako at pinigilan ang pag kurba ng aking bibig. Ewan ko ba, kanina pa ako parang baliw. Tuwing iniisip ko ang mga memories ko noong high school ako. Hindi ko talaga maiwasang mangiti.
"May naalala lang ako." Nandito nga pala kami sa parking lot. Hindi pa mag sasara ang school kaya nag paiwan muna si dad doon kaya naman si Lorence ang maghahatid saamin ni Maikee pauwi. Nag Cr si Maikee kaya naman kaming dalawa lang ni Lorence ang nandito ngayon.
"At ano naman iyon? Mukhang nag papasaya sayo iyon ng bongga." Natawa naman ako sa term na ginamit niya.
Hay buhay. Minsan talaga, hindi mo nalang mamamalayan na nahuhulog ka na pala sa isang patalim na hindi mo napansin ng matagal na panahon. Para bang sa isang iglap ay narealize mo na may patalim doon at mabilis kang nahulog ngunit hindi mo na ininda iyon. Tinanggap mo nalang na kailangan mong bumagsak pag walang sumalo sayo.
Masakit pero minsan dapat tanggapin natin ang kahihinatnan ng nararamdaman natin hindi lang dahil yun ang tama kundi yun din ang dapat. Ngayon, kung wala man sumalo saakin ngayong pagkahulog ko, wala akong magagawa. Iyon nga siguro ang plano ng tadhana para saakin.
Siguro..
~~
BINABASA MO ANG
Love High [COMPLETED]
Historia CortaLove High contains 3 series. LoveHigh: Transferee, LoveHigh: Student and LoveHigh: Alumni. Love High is a story of 6 people who were tested by fate and right time. Everything was well until the confession came. Will they be able to pass the test or...