LoveHigh: Alumni Part 1

490 24 0
                                    

Ibang iba ang kagandahan ngayon ng Love High. Ibang iba sa kinagisnan kong Patillo University. Maraming pagbabago. Ang sariwang hangin noon ay mas naging sariwa ngayon. Ang magagandang disenyo ay mas naging makulay.


"Oops..-- Pasensya na." Sabi ko nang may makabangga ako. Napatingin ako sakanya. Isang ngiti lamang ang binalik niya saakin.


"Okay lang Maikaa." Napatingin ako sakanya. Sino naman ang isang ito? Nanliit ang mata ko habang sinusuri kung sino siya.


Ako si Maikaa Merquita. May kakambal akong si Maikee Merquita at ako ang anak ng principal ngayon nitong Love High. Masaya akong nakadalo ako ngayon sa kanilang selebrasyon.


"I'm sorry but..-- You know me?" Naguguluhang tanong ko sakanya. Tumango siya at muling ngumiti. Inaalala ko ang pangalan niya ngunit hindi ko talaga maalala kung sino siya.


"Nakalimutan mo na siguro ako. Anyway, okay lang. See you around Maikaa!" Yun lamang ang kanyang sinabi at tumakbo nalang kung saan. Nanatili akong nakatingin sakanyang likuran hanggang sa mag laho ito sa aking paningin.


"Kanina pa kita hinahanap Maikaa, halika na. Kumain muna tayo doon sa booth na yon! Ang cute eh." Sabi ni Maikee at tinuro ang isang booth na hello kitty ang theme tapos nakalagay na Hello Kitty Cafe. Ang angas naman ng nakaisip niyan.


"Alam mo Maikee? Overall, ang ganda ganda ng foundation day na ito. Ibang iba sa hinanda natin noon." Tumango tango naman si Maikee sa sinabi ko.


"Nako! Sinabi mo pa. Naalala mo pa ba si Lorence? Lorence Santiago? Nandito din pala siya?" Lumiit ang tingin ko kay Maikee. Sinong Lorence? Parang wala naman yata akong maalala.


"Sino si Lorence?" Tanong ko kay Maikee. Tumigil siya sa pag lakad. Nandito na kami sa tapat ng cafe booth. Nag order muna kami bago niya sinagot ang tanong ko.


"Si Lorence girl! Yung naka partner mo nung prom! Kayo pa nga ang king and queen of hearts nun eh!" Ah!!! Si Lorence! Pero bakit hindi ko na maalala ang itsura niya?


"Hindi ko na maalala ang itsura niya. Nag hahalo halo na ang mga mukha sa utak ko." Dumating na ang in-order namin. Dumadami ang costumers. May lalaking pumasok sa booth. Napatingin pa sakanya ang ibang mga costumer. Sino bang hindi? Lalaki, nasa hello kitty cafe?


"LORENCE!" Sigaw ni Maikee. Napatingin naman ang lalaki sa banda namin at ngumiti. Lumapit siya saamin. Laking gulat ko nang naaninag ko ng mas clear ang mukha ng lalaki. Siya yung nakabangga ko kanina.


"Hi Maikee. Kamusta? Buti nakapunta kayo dito.. Ay, si Tito na nga pala ang bagong principal, ano?" Sunod sunod niyang tanong. Siya si Lorence? Siya ang nakapartner ko noong prom nung high school? Parang hindi kapani-paniwala. Ang Lorence kasi na naalala ko ay payat, hindi naman kaputian pero hindi rin maitim. May pagka maliit. Opposite na opposite ito sa Lorence na nasa harap ko ngayon.


"Maikaa, natulala ka dyan." Saway ni Maikee saakin. Bumalik naman ako sa realidad. Seryoso ba talagang si Lorence itong nakikita ko? Bumabalik na ang mga pangyayari noon pero bakit ibang iba ang nag f-flash na mukha sa utak ko.

Love High [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon