LoveHigh: Transferee Part 5

720 35 1
                                    

Patricia's Point Of View


Palakad lakad lang ako dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Totoo na itong nararamdaman ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi sa kakaisip na baka infatuation lang itong nararamdaman ko pero hindi eh. Iba talaga siya.


"Chumill ka nga girl!" Sabi ni Rose. Napaupo naman ako. Last pa kami sa mag tatanungan at sa napapanood ko, napakagaling mag si-sagot nung mga mag kakapartner. Parang galing talaga sa puso nila yung mga sagot nila. Paano ko naman magagawa iyon? Lalo pa na may machine na nag bibilang ng heart beat. Ewan ko lang kung para saan yun pero umaabot ng mga 110 at ang pinaka mataas ay 128.


"Hindi ako maka chill Rose." Sabi ko sakanya. Pumasok naman bigla si Deanne.


"Girl kailangan mong mag retouch. Ikaw na ang next sa next nyan tapos pawis na pawis ka?" Sabi niya at inayusan nanaman ako. Hindi ko na alam kung ilang make up na ba ang patong patong sa mukha ko dahil sa kakaretouch nila.


"Do you like me?" Narinig kong tanong nung babae na nakapag pabilis ng tibok ng puso nung lalaki. Umaabot na siya ng 130. Jusko! Nabeat niya na ang high score.


"Hindi ka naman mahirap magustuhan eh." Sabi niya. Naka anim na tanong na sila kaya naman tapos na ang turn nila. Sumalang na yung 2nd to the last at dahil doon ay bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Jusko naman this. Why oh why? Oh Whyyy?


"Hi Patty!" Nabigla ako nang may tumawag saakin.


"DANILO WAG KANG NANG GUGULAT!" Sigaw ko. Hindi ko mahilamos ang mukha ko dahil may make up nga ako.


"Oh sorry na. Just wanna get you ready dahil next na tayo." Tumango naman ako at nakinig nalang sa tanungan ng 2nd to the last couple.


"May pag asa bang maging tayo?" Girl.


"Oo naman, kung gugustuhin mo. Bakit ba hindi nalang natin totohanin?" boy.


"Ikaw lang naman kasi ang hinihintay ko eh. So Ano? Totohanan na ba?" Girl.


"Tara. Will you be my girlfriend? For real?" Boy.


"Of course. Ready ka bang maging sakin for life?" Girl.


"Why not. So Sakin ka na? At Sayo na ako?" Boy.


"Oo naman!" Tumakbo si Girl papunta kay Boy at nagyakapan sila. Nag hiyawan naman ang mga audience. Bakit hindi ko naman maramdaman yung spark? Chaka diba bawal yung ganun? Yung ma-fall? O baka naman part yun ng pasabog nila? Jusko! Mas lalo tuloy akong kinabahan lalo na nang makita kong 140 ang heartbeat nilang dalawa.


"Inlove talaga sila." Sabi ni Deanne at parang masayang masaya pa sa nangyayari.


Hinatak na ako ni Danilo papuntang stage. Pinag layo naman kaming dalawa at tinutok na saamin ang spot light. Makikita sa screen ang heartbeat namin pati yung mga itsura namin.

Love High [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon