Patricia's Point Of View
At Dahil wala na nga akong magawa sa matinong pag iisip ng nanay ko. Pumayag na ako sa gusto niya. I changed myself from simple to elegant. 5 months na ako dito sa school at medyo nakakapag adjust na ako. Nakaka apat na din akong boyfriend dahil binigay ang 1 month saakin para matutunan ang lahat.
"Hi babe!" Hinalikan ako ni Mark sa pisnge. Current boyfriend ko ngayon.
"Hoy Mark. Sinasabi ko sayo. Ayoko ng ganyan ganyan! Kung hindi lang talaga kita kailangan baka ngayon palang wala ka na sa school na to!" Pag tataray ko sakanya.
"Kung hindi naman ako pumayag sa gusto mo edi sabay tayong mawawala sa school." Natatawang sabi niya. Umirap nalang ako. Inakbayan niya ako at nag lakad na kami.
"Hi Patty!!!" Nakipag beso naman si Rose saakin.
"Hi." Walang gana kong sagot. Bigla namang lumapit sakanya si Bryan na ngayon ay boyfriend niya.
"Patty! I signed you sa Mr and Ms LoveHigh. You better attend the metting later at 5:00 sa activity room para makilala mo ang partner mo. Congrats girl!" Nanlaki naman ang mata ko. Umalis na siya kaagad matapos niyang sabihin yun.
Usap usapan na ang event na yun dito sa school. Ito ang naging tradition mula nang mapalitan ang mga rules and regulations dito. Ang Mr and Ms LoveHigh. Mag papanggap kayo na 'KAYO' katulad nang palagi niyong ginagawa pero ito rin ang pahinga ng ibang students dahil hindi sila pwedeng mag boyfriend pag sinasagawa ang event na to.
Katulad ng ibang pageant ay may Question and answer portion din dito. At kung ano ano pa. Pero usap usapan din na maraming mag babago tungkol dito sa Mr And Ms LoveHigh na yan. Jusko naman si Rose bakit pa ako sinali dun?
"Ano bayaaaann!!" Tili ko. Nakakainis naman.
"Hindi kaya ako sumipot?" Tanong ko sa sarili ko. Tama.. Hindi nalang ako sisipot.
"Ang alam ko nasa rule book ng Mr And Ms LoveHigh ay once nakapag register ka na ay hindi ka na pwedeng mag quit kundi may consequence kang gagawin." Singit naman ni Danilo kaya tumingin ako sakanya.
"Paano mo naman nalaman yun?" Tanong ko sakanya.
"Patty. President ako ng SSG at sa tagal tagal ko nang nag aaral dito. Palagi akong nire-register ng random person dyan. Kaya kabisado ko na ang rules niyang MAMLH." Ngumiti naman siya saakin. Umiwas nalang ako ng tingin sakanya at bumuntong hininga.
**
Nandito ako ngayon sa activity room. Nag babasa ng wattpad sa cellphone ko. Maaga kasi ako natapos sa exam ko kanina kaya maaga akong umalis ng classroom at kaya rin maaga akong nandito.
"Aga mo ah. Akala ko ba ayaw mo?" Napatingin nanaman ako sa nag salita. Si Danilo. Pero di ko siya pinansin at bumalik nalang ako sa pag babasa pero ang kulit kulit talaga niya.
BINABASA MO ANG
Love High [COMPLETED]
Historia CortaLove High contains 3 series. LoveHigh: Transferee, LoveHigh: Student and LoveHigh: Alumni. Love High is a story of 6 people who were tested by fate and right time. Everything was well until the confession came. Will they be able to pass the test or...