After 8 years~~
"Jusko naman Daniella! Wag ka ngang malikot!" Sigaw ko sa batang babaeng ngayon ay takbo ng takbo dito sa sala.
"Hay nako Danilo. As if naman maaawat mo yan si Daniella." Natatawang sabi ni Rose saakin. Ngumiti ako sakanya at tumayo.
"Aalis muna ako Rose." Tumango naman siya kaya umalis na ako. Sa loob ng walong taon, sino nga bang mag aakala na ito na ako ngayon? Andito ako ulit sa Pilipinas at nag lalakad lakad habang nakakalanghap ng hangin na made in Philippines only.
Si Daniella ay anak ni Rose. 3 years ago she approached me crying and tell me the whole story about how Daniella formed. Sabi niya isang malaking kasalanan lang ang nangyari kaya gusto niyang ipalaglag ang bata pero dahil wala namang kasalanan si Daniella ay hindi ako pumayag. She graduated college already bago pa siya nabuntis so there's nothing to worry about.
Lumipad kami ng states. Ako ang naging karamay ni Rose nang pinag bubuntis niya si Daniella hanggang sa lumabas na nga ang anghel sa buhay ni Rose na ngayon ay kasa-kasama niya parin. She never told Rose about how she wanted to abort her. Sino ba namang mag lalakas loob?
Rose named her after my name dahil sabi niya, iyon na ang pasasalamat niya saakin sa mga oras na nandun ako para sakanya. We don't live in the same house. We're just neighbors kung kaya't hindi talaga ako ang nakilalang ama ni Daniella. Rose never told her about the father, kahit saakin kaya hanggang ngayon ay mystery parin kung sino nga ba ang tatay ni Daniella.
But then, hindi parin ako nahuhulog kay Rose for a reason na may gusto akong balikan dito sa Pilipinas. Matagal ko na siyang hinahanap pero hindi ko parin siya makita, kung hindi lang namin kinailangan lumipad ng States ay hindi talaga ako aalis kaso, kailangan.
Nag lakad ako patungo sa Patillo High. Napag tanto kong hindi na pala ito Patillo High ngayon. Isa na itong Love High. Pumasok ako, nakilala naman ako ng guard kaya walang kahirap hirap niya akong pinapasok.
"Ang dami nang nag bago." Bulong ko sa sarili ko. Nakafocus lang ako sa paligid kaya hindi ko napansin ang nabunggo ko. Nag mamadali kasi siya.
"Oops..-- Sorry sorry. Sorry talaga." Tinignan ko siya and the moment that her eyes captured mine, parang ayoko nang tanggalin pa ang mga mata ko sakanya.
Just like what she told Rose when she bumped with her in her first day of class. The first time I saw her.
"P..-Patricia?" Natulala siya nang makilala niya ako. I believe na wala parin namang nag babago sa features ko nitong mga nakaraang taon.
"D..-Danilo?" Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit. Ang tagal ko siyang hinanap.
"Ang tagal kitang hinanap Patricia. Ang tagal.. Sa sobrang tagal hindi ko na naisip na magkikita pa tayo ulit." Gusto kong maiyak kaso nakakabakla iyon kaya pinigilan ko. Naramdaman ko ang pag yakap niya pabalik saakin.
"H..--Hinanap *Sniff* din kita." Bumitaw ako sa yakap nang maramdaman kong basa na ang likod ko. Tinignan ko siya at nakita ko siyang umiiyak. Agad niyang pinunasan ang mga luha niya.
BINABASA MO ANG
Love High [COMPLETED]
Short StoryLove High contains 3 series. LoveHigh: Transferee, LoveHigh: Student and LoveHigh: Alumni. Love High is a story of 6 people who were tested by fate and right time. Everything was well until the confession came. Will they be able to pass the test or...