We don't always get what we want. We get what we don't wish for. Nakakalito na talaga ang mundo, ano? Hindi mo na magets kung ano ba talagang plano niya sayo.
"Ang tagal mo naman Maikee!" Sigaw ko sa labas ng kwarto. Ngayon kasi ang alis namin nila Lorence kasama ang iba pa naming mga kaklase. Bumukas ang pinto at niluwa nito ang kapatid kong naka long sleeves at pencil cut skirt. Tinaasan ko siya ng kilay. Nakakunot ang noo niya.
"So Anong eksena mo?" Ginulo gulo niya ang buhok niyang kinulot niya sa baba.
"Pinapatawag ako sa opisina. Kaya hindi ako makakasama sainyo ngayon. Nakakaasar talaga Maikaa! Nakakainis! Napaka bad timing!" Napanganga naman ako sa sinabi niya. Bihis na bihis na ako at handa nang umalis pero paano pa ako aalis kung hindi ko naman kasama si Maikee?
"Paano ako, Maikee?!" Sigaw ko nang makababa na siya. Kinuha niya ang susi ng kotse niya kaya kinuha ko din ang saakin.
"Proxi mo nalang ako dun. Kaya mo namang makipag sapalaran sa mga iyon eh." Kung tutuusin, hindi ko parin kilala ang mga makakasama namin ngayon kaya talagang hindi ko alam kung makaka-catch up ako.
"Maikee naman!" Too late na para mag mukmok, nag mamadali na siyang lumabas ng bahay. Napaupo nalang ako sa couch namin. Nag vibrate ang phone ko kaya chineck ko ito. Nag message si Lorence at pinapaalala kung saan kami ngayon. Umiling nalang ako at lumabas na din ng bahay.
Kaya ko naman siguro? Mas masama naman kung hindi ako pupunta doon. Hindi na nga makakapunta si Maikee tapos ako rin?
Dumating ako on time. Wala pa sila roon kaya nag hintay muna ako sa isang malapit na upuan. Nang makita ko si Lorence at napatayo na ako kaagad para makita niya ako. Agad niya naman akong nilapitan at ngumiti.
"Nasaan si Maikee?" Tanong niya. Napaiwas ako ng tingin sakanya dahil titig na titig siya saakin.
"Hindi makakasama. Nagkaproblema sa opisina kaya kailangan niyang pumunta doon." Tumango tango naman siya. Napatingin ako sa likod niya. Nasaan na ba sila?
"So.. Tayong dalawa lang pala ngayon?" Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit? Marami kami, hindi ba?
"Bakit? Nasaan ang iba?" Nakatingin na ako ngayon sakanya. Kumunot ang noo niya at umiwas ng tingin.
"Hindi raw makakasama." Jusko naman! Ngayon niyo pa talaga naisipan yan, ano?
"Ano bayan! Paano tayo mag e-enjoy nyan?" Tanong ko sakanya sabay nguso. Tumawa naman siya ng bahagya at hinila ako sa kung saan.
"Wag nalang tayo dito kung ganon." Sabi niya habang hinihila parin ako papuntang parking lot.
"Sandali lang Lorence! May Kotse ako. Lead and I will follow." Tumango naman siya. Hinatid niya muna ako kung saan ang kotse ko bago siya pumasok sakanya. Nauna siyang nag drive kaya sinusundan ko lang siya. Mabilis ang tibok ng puso ko. Napansin ko ang pag tawag ni Maikee sa skype ko. Sinagot ko iyon kaagad.
BINABASA MO ANG
Love High [COMPLETED]
NouvellesLove High contains 3 series. LoveHigh: Transferee, LoveHigh: Student and LoveHigh: Alumni. Love High is a story of 6 people who were tested by fate and right time. Everything was well until the confession came. Will they be able to pass the test or...