Chapter 26: DaphVin Love Story Part III

10 1 0
                                    

A/N: Continuation ng lovestory ng DaphVin again! Hehehe, ang haba ba? Sensiya na, minsan lang 'to! Enjoy reading! :)

**

Tinext ko si Daphne na magkita kami dun sa may meeting place namin mamayang gabi. Pumayag naman agad siya kaya kinakabahan ako. Shet lang kasi ngayon na ko aamin! Wooh! Calvin, kaya mo yan! Malakas kutob ko na hindi ako marereject.. Sana..

Pumunta na ko sa meeting place namin pero pagdating ko dun, wala pa siya kaya nahiga muna ako sa damuhan tsaka pinagmasdan yung mga stars. Sana naman may dumaan na shooting star para makapag-wish ako na sana wag ako ma-reject sa gabing 'to.

Habang nakatingin ako sa langit may dumaan naman biglang shooting star kaya napaupo ako at napapikit at agad na nag-wish.

Sana maging maganda kalabasan ng pag-amin ko. Sana ganto rin nararamdaman ni Daphne sakin katulad ng nararamdaman ko para sakanya. Sana.. Pumayag siyang ligawan ko siya.

"Uy! Kanina ka pa?" Napadilat ako nang magsalita si Daphne.

"U-uhh, h-hindi n-naman." Shete! Ba't ako nauutal!? Hoy dila, umayos ka nga!

Napakunot tuloy noo niya. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya. Hindi ako ayos! Hindi ko nga alam kung paano ko 'to sisimulan potek!

"O-oo n-naman.." Aish! Letse!

Naupo naman siya sa tabi ko. "Bakit mo nga pala ko pinapunta dito? Wag mo sabihing may problema ka? Oh ano yun? Makikinig ako." Sabi niya. Lintek paano ko ba 'to sisimulan?

My BITTERHalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon