Chapter 14: Meet Euan

19 2 0
                                    

Cara's POV

"Manong para po!" Sigaw ko kay manong driver at bumaba na. Tingin ko naman kasi eto na yung lugar na sinabi ni Ate Calyx.

Nagtanong ako sa nagdaang ate kung tama 'tong lugar na pinuntahan ko. Tama naman daw. Subdivision kasi at halatang mayayaman nakatira kasi ang gagara at ang lalaki ng mga bahay or should I say mansion? Kaya lang, nasan bahay nila Ate Calyx dito? Naalala ko yung sinabi niya.. Itim na malaking gate at light yellow yung kulay ng bahay. Asan yun?

Nagtingin tingin ako sa paligid pero wala kong makitang ganun kulay. Tumingin naman ako sa likod ko at itim na gate nakita ko at light yellow kulay ng bahay. Ito na ba yun?

*ding dong*

Nag-doorbell na ko para makasigurado. May lumabas naman na maid.

"Yes po? Sino po hanap nila?"

"Uhm, dito po ba nakatira si Calyx--" Ano ba apilyedo nila? Hindi ko alam eh..

"Si Mam Calyx po?"

"Opo. Dito po siya nakatira? Nasaan po siya?"

"Nasa loob si Mam. Sino po sila?"

"Pakisabi po si Cara."

"Ah, sige po tawagin ko lang si Mam. Wait lang ah?"

"Sige po." Pumasok naman na yung maid. Ang ganda at ang laki naman ng mansion nila.

"CARAAA!" Napalingon naman ako kay Ate Calyx na palapit sakin.

"Tara pasok ka." Pumasok naman na ko at sinara na nung maid yung gate.

"Welcome to our home! Buti naman hindi ka naligaw." Woah! Ang laki ng bahay!

"Nagugutom ka ba? Yaya! pakidalhan nga kami ng makakain dito!"

"Yes mam."

"Ate Calyx ayos lang. Hindi naman din ako magtatagal."

"Anong hindi? Na-miss ko na bonding nating dalawa eh."

"Ate nasan yung---" Napalingon naman kami sa nagsalita na pababa ng hagdan. Si Calvin.

"Ang alin Calvs?"

"May bisita ka pala." Sabi pa niya.

"Hi Calvin!" Bati ko sakanya. Tinanguan at nginitian niya lang ako.

"Hey, Calvs. Cara's phone?"

"Nasa kwarto. Kunin mo na lang."

"Sige. Mamaya na lang Cara bago ka umuwi ah? Ano nga pala tinatanong mo kanina Calvs?"

"Uhh, wala yun. Ge akyat na ko." At umakyat na siya. Problema nun?

"Don't mind him. How are you?"

"Okay naman ako Ate Calyx."

"Oh, I see. Namukhaan mo ba yung mga holdapers na kumuha ng gamit mo? Naku, pag nakita ko mga yun, babalatan ko talaga sila ng buhay!"

"Haha, hindi eh. May takip mga mukha nila."

"Ganun ba? Mga salbaheng yun! Tapos umalis na at iniwan ka sa kalsada mag-isa? Grabe talaga!"

"Ganun talaga ngayon Ate Calyx. Hindi na nag-iinform kung aalis na kasi nakuha na nila ang gusto nila. Masanay ka na!" Medyo tumawa naman si Ate Calyx. Totoo naman kasi.

"Pero ang galing 'no? Small world talaga. Akalain mo yun? Kapatid ko pala tumulong sayo?"

"Oo nga Ate eh. Nagulat din ako nung nalaman ko na magkapatid kayo.."

My BITTERHalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon