Chapter 4: Vin Is Back

56 2 0
                                    

Cara's POV

A-aray! Sakit ng ulo ko. Dami ko siguro talagang nainom kagabi. Haist! Anong oras na ba?

O__________________O!!!

6:45 AM!? ANLA, MAY PASOK PA KO! Kaya dali dali akong naligo at bumaba na.

"Oh, Cara? Gising ka na pala. Halika't kumain ka na-- san ka pupunta?"

"Bakit di niyo ko ginising Ma?! Papasok na ko!"

"Hoy! Anong papasok? Hindi ba masakit ulo mo!?"

"Kailangan ko pumasok. Aalis na ko!"

"Sandali, yung baon mo!" Kinuha ko naman agad yung pera at dali-daling lumabas.

"Hindi ka ba kakain!?"

"Hindi na Ma! Una na ko!" At tumakbo na ko papuntang sakayan.

***

Hingal na hingal akong nakarating sa university at takbo ng takbo hanggang sa may makabangga ako.

"Ayy! Sorry-- Lily!"

"Oh Cara, bakit ba nagmamadali ka? Ang sakit a!"

"*huff* E kasi si *huff* Mama hindi ako ginising e! *huff* Late na ko e! *huff*"

"Late ka diyan? 8:00 pa first class natin."

"*huff* Oo nga pala no nakalimutan ko."

"Shunga mo."

"Maka-shunga naman! E kung 8:00 pa first class natin, bakit ang aga mo?"

"May kinailangan lang akong gawin kanina. Okay ka na ba?"

"Paggising ko kaya ang sakit ng ulo ko."

"E bakit pumasok ka pa?"

"May exam kaya kami sa history ngayon. Kaya di pwedeng hindi ako pumasok ngayon."

"I see. Panigurado hindi ka pa nag-aalmusal."

"Oo nga Ly. Libre mo nga ko."

"Sabi ko na nga ba e. Oo na, magkape ka para mabawasan yang headache mo. Inom inom pa kasi."

"Hehe! Thankyou Lily!" Inirapan niya lang ako at pumunta na kaming canteen.

Pagdating namin sa canteen binilhan naman ako ni Lily ng kape at burger. Gusto kong fries! Bakit ba kasi walang McDo dito sa loob ng University e! -__-

Habang kumakain kami lumapit samin si Marco.

"Cara? Pumasok ka?"

"Ay, hindi. Hindi si Cara yan, Marco. Promise." Sarkastikong sabi ni Lily kay Marco.

"Ewan ko sayo Lily. Cara, akala ko di ka makakapasok kaya hindi na kita dinaanan. Pasensiya ka na a."

"Di kasi ako pwedeng umabsent tsaka ano ka ba Marco, okay lang 'no."

"Kamusta ka na? Okay ka na ba?"

"Pinipilit maging okay. Tsaka alam mo namang hindi madali sakin kalimutan na lang yun 'no."

"Sabagay, pero nandito lang ako a?"

Nginitian ko lang siya.

"Ako din nandito baka hindi niyo alam." Biglang singit samin ni Lily.

"Ay sorry." Sabi ko na lang at kumain na lang kami at nagkwentuhan.

Pagkatapos namin kumain, pumasok na kami sa classes namin.

Pagkapasok namin ang ingay kaya alam naming wala pang prof. Naupo naman na kami ni Lily at nagkwentuhan habang hinihintay dumating yung prof namin nang lumapit sakin yung isa kong ka-blockmate. Si Gigi.

My BITTERHalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon