Chapter 15: Loner

20 3 0
                                    

Cara's POV

"Yan diyan!" Sabi ko sabay turo kay manong driver yung bahay namin.

"Yan! Dito na lang po manong. Salamat po!" Sabi ko at bumaba na ko ng kotse. Umalis na naman si manong. Pumasok narin ako sa bahay nung magtext si Lily.

From: Jerilli
Nakauwi ka na? Kanina pa kami umuwi ni Marco.

Hindi ko pala siya marereply-an. Wala nga kasi akong load. Hayaan na nga. Makakatulog naman yan si Lily kahit di ko siya reply-an eh.

"Ma nandito na po ako!"

"San ka ba galing? Ikaw talaga napakagala mo!" Ingay nito ni Mama.

"Pumunta ko kila Ate Calyx. Kinuha ko cellphone ko."

"Tingnan mo nga yang suot mo oh! Yan parin suot mo simula kahapon panigurado! Maligo ka nga muna nangangamoy ka na!" Inamoy amoy ko naman sarili ko. Wala naman akong amoy!

"Hindi naman ah! Maliligo muna po ako!" At umakyat na ko sa kwarto ko.

*Fast Forward*

Grabe parang ambilis lang ng tatlong linggong bakasyon! Kaka-enroll lang namin nila Lily kahapon para sa second semester at ngayon papasok na kami. Kasabay ko si Lily. Wala naman ako masyadong pinagkaabalahan sa loob ng tatlong linggo kundi gumala, mag-internet, magmukmok sa kwarto at kung anu-ano pa! Minsan gumagala rin ako mag-isa pag nabo-bored ako at syempre madalas ako makasalubong ng mga bwisit na couples.  Tss sakit sa mata! Minsan pinapapunta rin ako ni Ate Calyx sa kanila at nasama ko na rin dun si Lily kaya medyo close narin kami ni Calvin at mas nakilala ko pa siya. Ang kulit nga eh kasi under na under siya ni Ate Calyx. Haha!

"Huy!"

"AY UNDER!"

"Anong under ka diyan? Ano na naman ba at lutang ka na naman? Sabi ko anong oras first class mo?"

"A-ako?"

"Ay hindi! Sino ba kasama ko? Pepektusan na kita dyan eh!"

"7AM first class ko. Ikaw ba?"

"Ganun din. Oh siya, pumasok ka na at papasok narin ako. Bumalik ka na nga sa katinuan mo. Lutang ka na naman eh!"

"Oo na. Sige! Kita na lang tayo mamaya!"

"Ge." At naghiwalay na kaming dalawa ni Lily.

Pumunta naman na ko sa building ng first class ko at hinanap yung klase ni Ms. Ong. Nasaan na ba yun? Letse baka ma-late ako unang araw palang ah!

Ito! Salamat naman! Anong oras na ba? Oh my! 7:05!? Hindi ko namalayan yung oras! Shit! Dali-dali naman ako hanggang sa makapunta ako sa tapat ng pinto at nakita kong nagsisimula na sila. Buti na lang kilala ako nito ni Ms. Ong kasi Prof ko rin siya dati kaya lang strict talaga 'to eh! At ang pinaka ayaw niya sa lahat ay late! Huhu! I'm dead meat!

Napunta naman sakin atensyon nila pati ni Ms. Ong. Huhu!

"Ms. Fortez, you're five minutes late. Absent ka na." ANO!? HUHU! NOOO!

"Ganun na ba talaga ngayon ma'am? Konting mali lang inaayawan ka na agad? Hindi ba pwedeng pag-usapan muna para maitama? Hehe" Letse.

"Fine. First day na first day late agad! Pumasok ka na."

"Hehe thanks Ms. Ong!" At pumasok na ko. San ba vacant? Ayun! May vacant seats sa bandang likod. Pumunta naman na ko dun. Si Cherry 'to ah? Buti na lang may kakilala ako.

My BITTERHalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon