Chapter 6: Lowest

44 4 0
                                    

Lily's POV

Papasok na ko ngayon. Hindi ko na dadaanan yun si Cara, sayang lang sa pamasahe e. -____-
Sa school na lang kami magkita.

Sumakay na ko ng jeep. Habang umaandar yung sinasakyan ko may nabanggang kariton na maraming buko. Nilalako ata nung manong! Nagkalat yung mga bukong paninda nung manong sa kalsada. Letse naman! Bumaba naman yung driver nang jeep na sinasakyan ko at nakipag sagutan dun sa tindero ng buko. Nagsilapitan naman yung mga pulis na pakalat kalat lang sa daan at inawat yung driver tsaka yung tindero. Tama na yan, ano ba? May pasok pa ko! -______-

Pumunta naman samin yung isang pulis.

"Pasensiya na ho kayo pero kailangan niyo na pong bumaba. Dadalhin lang po namin sa presinto 'tong jeep na 'to." Sabi nung pulis. Talaga? Ngayon pa talaga? Ano ako maglalakad? Bihira nga nadaan na jeep sa lugar na 'to oh! Letse talaga.

Nagbabaan na mga pasahero kasama ko. No choice, malayo layo pa 'to. Lalakarin ko ng medyo malayo para makarating sa sakayan ulit. Haist!

Di pa kalayuan nilalakad ko nang may tumigil na puting kotse sa tabi ko. Napatingin ako saglit pero naglakad na ulit. Malay ko ba, baka magpa-park lang pala. Umandar naman ulit yun at tumigil nanaman sa tabi ko. Ano ba problema neto?

Tiningnan ko naman sa bintana pero nakasara kaya naman kinatok ko. Ibinaba naman agad niya yung salamin sa bintana ng kotse niya. Pagkakita ko, teka kilala ko 'to a.

"Sabi ko na nga ba ikaw yan e. Are you alone?" Tanong nung lalaking tumulong sakin abutin yung libro sa library na ngayon ay nasa loob ng kotse na katabi ko ngayon.

"May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Tanong ko sakanya habang patingin tingin ako sa paligid ko. Itatanong pa kasi eh obvious naman.

"Huh?"

"Ah wala. Sabi ko, oo mag-isa ko. Wala kong kasama." -____-

"Ah, bakit pala naglalakad ka? Tas mag-isa ka pa. Dito pa sa lugar na hindi matao." Sabi niya habang patingin tingin sa paligid.

"Pinababa kasi kami sa sinasakyan kong jeep."

"Ah, yung aksidente ba dun?" Tanong niya sabay turo sa lugar kung saan yung aksidente.

Tumango lang ako.

"Malayo pa sakayan dito ah, gusto mo sumabay sakin? Sa St. Clark din naman ako papasok so parehas lang tayo ng pupuntahan."

"Ah, wag na. Nakakahiya naman. Maglalakad na lang ako." Sabi ko sabay lakad na. Sinundan parin ako ng kotse niya.

"Anong oras na oh, bahala ka, ma-late ka pa. Ikaw din."

"Ayos lang. Tsaka hindi naman kita kilala."

"Wala naman akong gagawing masama. Isasabay lang kita, yun lang. By the way, I'm Lance. Ayan, kilala mo na ko baka naman gusto mo na sumabay?" Ayos din 'to ah?

"Oo na." Sabi ko na lang at binuksan yung pinto ng kotse niya at pumasok na.

"Alam mo na pangalan ko pero hindi ko parin alam yung iyo." Sabi niya habang nagmamaneho.

"Jerilli pero Lily na lang."

"Ah."

After a few minutes nakarating na rin kami ni Lance sa school. Binuksan ko na pinto ng kotse niya at lumabas na. Lumabas na naman din siya kasabay ko.

"Uhm, salamat."

"Walang anuman." Sabi niya habang nakangiti. Yan nanaman yung dimple niya. -______-

"Sige, pasok na ko."

"Papasok na rin ako. Sabay na tayo." Sumunod naman siya sakin. Sabay na nga kami pumasok. Pagpasok namin sa campus sinalubong naman agad ako ni Cara. Nakarating na pala 'to.

My BITTERHalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon